Dudut Lang Proudly Exhibits Newly Acquired Tumbling Skills in Siargao

Muling pinatunayan ng Team Payaman members na hindi hadlang ang kahit anong balakid kung may nais kang makamtan sa buhay, maliit man ito o malaki. Gaya na lang ng bagong natutunang kakayahan ni Jaime De Guzman, a.k.a Dudut Lang

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Dudut kung paano nya sinubukang matutunan ang isang kakayahan na matagal na yang gustong gawin, ang pag tumbling o backflip. 

Ayon sa 25-anyos na vlogger, noon pa man ay namamangha na sya sa mga tuma-tumbling sa ere, mapa dancer man ito gymnast o maging sa mga palabas. 

“Nakaka-bilib kaya na kaya mong umikot sa era tapos babagsak ka ng nakatayo,” ani Dudut. 

Challenge Accepted

Bilang hamon sa kanyang sarili, hinarap ni Dudut ang kanyang pinapangarap na matutunan. Ayon pa sa tinaguriang “All Around” guy ng Team Payaman, alam naman niyang kaya niyang mag backflip, lalo noong hindi pa gaano mabigat ang kanyang timbang. 

Kaya naman nag-ipon ito ng lakas ng loob at nag-desisyon na subukan matuto ng pag-tumbling habang bata pa. 

Kasama ang kapwa Wild Dogs na si Carlos Magnata, a.k.a Bok, nagtungo sila sa MVPSF Gymnastics Center sa Intramuros, Manila. 

Tinulungan si Dudut ng parkour athlete at fitness coach na si Coach Pol Parkour na tuparin ang kanyang pangarap na matutong tumambling. 

Nagsimula ang kanilang session sa isang dynamic warm up upang mabuhay ang katawan at tumaas ang energy.

“Kaya natin ginagawa ‘to, this is to prevent injury. Para ma-ready na lahat ng joints natin at mga maliliit na muscles,” ani Coach Pol.

Bagamat duda si Dudut na kaya niyang mag-backflip dahil na rin sa kanyang timbang, kumpyansa naman si Coach Pol na kakayanin ito ni Dudut dahil pansin nyang active ang katawan nito. 

Backflip lesson

Sa kanilang one-day backflip session, tinuruan ni Coach Pol si Dudut Lang ng tamang technique sa pagtalon, tamang bwelo sa pag-ikot ng katawan, at tamang landing kung saan magiging safe ang kanilang katawan. 

Pinaalalahanan din ng coach sina Dudut na habang sinusubukan ang pag tumbling ay iwasan muna ang kulitan dahil maari silang mawala sa focus at hindi magawa ang tamang technique na maaring magdulot ng disgrasya. 

Sa gitna ng pag-eensayo, may oras na tinamaan ng kaba at takot si Dudut na baka hindi niya magawa ng maayos at mauwi sa disgrasya. 

Sa huli, nagawa ni Dudut ang goal na maka backflip kahit walang alalay ng coach.

“Marunong na ko at medyo naiintindihan ko na kung paano mag backflip. Kaso parang gusto kong dalhin sa next level, gusto ko yung flat ground,” paliwanag ni Dudut. 

Samantala, dinala naman ni Dudut ang natutunang backflip skills sa nagdaang adventure ng Team Payaman sa Siargao. Sinubukan ni Dudut na mag-tumbling sa gitna ng dagat. 

Ayon kay Dudut, pagbubutihin pa nya pag-eensayo para magawa ang pangarap na pag-backflip sa sementadong lugar at magawa ito ng safe.  

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

18 hours ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

2 days ago

Summer Just Got Better with Viyline MSME Caravan at SM Dasmariñas

The VIYLine MSME Caravan is a great opportunity for local business owners to show their…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

7 days ago

Alex Gonzaga Shares a Sneak Peek of Her Dream Home’s Progress

Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya…

1 week ago

Summer Outfit Ideas ft. Muyvien Apparel’s Everyday Basics Collection

Let’s be real—summer fashion is a balancing act. You want to look cute, but you…

1 week ago

This website uses cookies.