Kada buwan ay tiyak na may aabangan ang mga Viviys at Team Payaman fans sa monthly photoshoot ng panganay nina Cong TV at Viy Cortez.
Ngayong buwan, proud na ibinahagi ng 26-anyos first-time mom ang photoshoot ni Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, kung saan tila lumalabas na ang natural na karisma nito.
Para sa ikatlong buwan ni Baby Kidlat, napili nina Cong at Viy na ihalintulad ang tema ng photoshoot sa 90’s hit song na “Heal the World’ ni Michael Jackson.
Sa kanyang bagong vlog, pinasilip rin ng VIYLine CEO ang naging preparasyon at resulta ng makulay na photoshoot ni Baby Kidlat.
At syempre, katuwang pa rin ng CongTViy couple ang The Baby Village na nagsilbing malikhaing kamay sa likod ng cute na cute na Michael Jackson-themed photoshoot ng kanilang unico hijo.
“Ang pogi ng anak ko! Hindi niyo kinakaya yung anak ko!” proud na sabi ni Mommy Viy.
Present din sa likod ng camera sina Mommy Viy at Daddy Cong na naging susi para mailabas ni Kidlat ang kanyang natural smile. Game na game ang dalawa na magpatawa upang mahagip ng camera ang inaasam na ngiti ni Baby Kidlat.
Pero bukod sa 3rd monthly photoshoot ni Baby Zeus, kinunan din ng The Baby Village ang ilang litrato para naman sa pormal na imbitasyon para sa kanyang binyag na gaganapin sa Oct. 27.
Cute na cute sa kanyang beige and white coordinates ang little Cong TV na swak na swak para sa kanyang baptismal photos.
Samantala, bilang selebrasyon ng ikatlong buwan ni Baby Kidlat, naisipan ni Mommy Viy na ipasyal ito para mamili na rin ng mga bagong damit.
Ang nasabing gala ay ang unang beses na makapasyal si Kidlat sa loob ng mall kasama ang kanyang Mommy Viy at Daddy Cong.
“Pumunta kami dito ni Daddy mo, nasa tiyan pa kita. Ngayon, kasama ka na namin!” kwento ni Viviys sa kanyang panganay.
Matapos ang bigating pagsa-shopping ay diretso kainan na ang mag-anak na Velasquez at nagsalo-salo sa masarap na pagkain.
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.