Baby Kidlat Shows Off Natural Charisma in 3rd Monthly Photoshoot

Kada buwan ay tiyak na may aabangan ang mga Viviys at Team Payaman fans sa monthly photoshoot ng panganay nina Cong TV at Viy Cortez

Ngayong buwan, proud na ibinahagi ng 26-anyos first-time mom ang photoshoot ni Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, kung saan tila lumalabas na ang natural na karisma nito. 

Heal the World

Para sa ikatlong buwan ni Baby Kidlat, napili nina Cong at Viy na ihalintulad ang tema ng photoshoot sa 90’s hit song na “Heal the World’ ni Michael Jackson.

Sa kanyang bagong  vlog, pinasilip rin ng VIYLine CEO ang naging preparasyon at resulta ng makulay na photoshoot ni Baby Kidlat.

At syempre, katuwang pa rin ng CongTViy couple ang The Baby Village na nagsilbing malikhaing kamay sa likod ng cute na cute na Michael Jackson-themed photoshoot ng kanilang unico hijo. 

“Ang pogi ng anak ko! Hindi niyo kinakaya yung anak ko!” proud na sabi ni Mommy Viy.

Present din sa likod ng camera sina Mommy Viy at Daddy Cong na naging susi para mailabas ni Kidlat ang kanyang natural smile. Game na game ang dalawa na magpatawa upang mahagip ng camera ang inaasam na ngiti ni Baby Kidlat.

Pero bukod sa 3rd monthly photoshoot ni Baby Zeus, kinunan din ng The Baby Village ang ilang litrato para naman sa pormal na imbitasyon para sa kanyang binyag na gaganapin sa Oct. 27. 

Cute na cute sa kanyang beige and white coordinates ang little Cong TV na swak na swak para sa kanyang baptismal photos.

Baby Kidlat’s 3rd Month Celebration

Samantala, bilang selebrasyon ng ikatlong buwan ni Baby Kidlat, naisipan ni Mommy Viy na ipasyal ito para mamili na rin ng mga bagong damit.

Ang nasabing gala ay ang unang beses na makapasyal si Kidlat sa loob ng mall kasama ang kanyang Mommy Viy at Daddy Cong.

“Pumunta kami dito ni Daddy mo, nasa tiyan pa kita. Ngayon, kasama ka na namin!” kwento ni Viviys sa kanyang panganay. 

Matapos ang bigating pagsa-shopping ay diretso kainan na ang mag-anak na Velasquez at nagsalo-salo sa masarap na pagkain.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
246
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *