Pat Velasquez-Gaspar Reveals New Beauty Business To Open Soon

“The only way is up” ika nga ng nakababatang kapatid ni Cong TV na si Pat Velasquez-Gaspar, kasabay ng kanyang planong pagbubukas ng bagong negosyo.

Matapos ang tagumpay ng pagbubukas sa publiko ng Wagyuniku by Pat and Keng, gusto naman ni Pat na sumubok ng isa pang negosyong malapit sa hilig nito na magpa-ganda at mag-relax. 

Ano naman kaya ang naging paghahanda ng isa pang girl boss ng Team Payaman sa bagong yugto ng kanyang pagiging CEO? 

New Business Reveal

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 26-anyos na vlogger ang kanyang naging paghahanda sa pagbuo ng bagong negosyo. 

“Ever since, gustong gusto ko na talagang simulan ‘to. Actually, matagal na namin ni Keng binubuo ito, so ngayon lang namin siya ise-share sa inyo” kwento ni Pat.

At syempre, hindi ito magiging posible kundi dahil sa suporta ng asawa nitong si Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng, na hindi nag alinlangan sa pagtulong sa pangarap na negosyo ng kanyang maybahay. 

“Syempre, konting ipon, trabaho, at grind [ang kailangan] kaya kami makakapagtayo ng ganito. Dating pangarap lang siya na ngayo’y matutupad na,” paliwanag ni Boss Keng.

Dahil sa hilig ng Team Payaman na magpaganda at mag-relax sa kanilang libreng oras, napag-isipan ng mag-asawang Pat at Keng na magtayo ng sarili nilang one-stop salon and spa na Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng na matatagpuan sa Molino, Cavite.

Setyembre pa lang ay nagsimula nang asikasuhin ng mag-asawa ang magiging lokasyon ng kanilang bagong negosyo. Ayon kay Pat, nagustuhan nila ang nasabing pwesto dahil very accessible ito sa mga tao. 

Bukod sa mga serbisyong pampaganda, hatid rin ng Glam Central by Pat and Keng ang iba’t-ibang mga beauty and wellness packages gaya ng hair and nail services, foot spa, full-body massage, slimming at marami pang iba.

The Preparations

Bukod sa hilig nina Team Payaman Wild Cats Vien Iligan-Velasquez, at Viy Cortez sa mga kikay routine, isa rin sa mga dahilan ng pagbuo ng negosyo ni Pat ay ang papalapit ng Kapaskuhan. 

Sinulit na rin ng PatEng couple ang kanilang araw at dumalo sa meeting kasama ang negosyante sa likod ng Glam Central upang asikasuhin ang nalalapit na pagbubukas ng nasabing negosyo. 

“Hopefully sa November makapag-operate na kami,” dagdag ni Pat.  

Abangan ang pagbubukas ng bagong negosyo na tiyak dudumugin ng madla, at syempre, ng Team Payaman! Manatiling naka-abang sa official Facebook at Instagram page ng Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng upang maging updated sa latest announcements. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Boss Toyo’s Pinoy Pawnstars to Air on PTV

Mapapanood na sa People’s Television Network Inc. o PTV ang “Pinoy Pawnstars” na negosyo at…

1 day ago

#MaiklingKwento: Ser Geybin and Elma Asagra Star in a Tear-Jerking Romantic Short Film

Magkahalong kilig at lungkot ang hatid ngayon ng internet sensations na sina Ser Geybin Capinpin…

1 day ago

LOOK: Cong TV at Ang Pangarap Niyang Long Hair

Sa kabila ng mainit na panahon, isa sa pagsubok na hinaharap ng Team Payaman headmaster…

2 days ago

#perfectCONGVIYnation: Cong TV and Viy Cortez Sizzle in Balesin, Island Prenup Shoot

Just recently, soon-to-wed Team Payaman couple Cong TV and Viy Cortez visited Balesin Island to…

2 days ago

Cong Clothing Drops Newest ‘LOWKEY and LOUD’ Collection

If you’re looking for a shirt to complete your aesthetic fit check, Cong TV’s clothing…

3 days ago

Daddy Diaries: Here’s How Daddy Cong TV Persuades Kidlat to Brush His Teeth

Nahaharap sa panibagong pagsubok bilang ama ang legendary YouTube vlogger na si Cong TV, ito…

3 days ago

This website uses cookies.