Viy Cortez Searches for the Next Lucky Kid to Receive ‘TP Kids’ Gifts

Christmas is just around the corner, ika nga nila. At dahil dyan, simula na rin ang pamimigay ng surpresa sa ilang maswerteng taga-suporta ni Viy Cortez.

Sino kaya ang susunod na mapalad na mabibigyan ni Viviys ng pamasko mula sa TP Kids at iba pang produkto ng VIYLine?

TP Kids Gifts

Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga magulang at chikiting sa TP Kids, labis ang naging pasasalamat ng 26-anyos VIYLine CEO sa mga patuloy na tumatangkilik dito sa iba’t-ibang mga shopping platforms gaya ng Shopee, Lazada, at TikTok shop.

Bukod sa pagbebenta ng mga produkto online, nagsisimula na ring bumisita ang TP Kids team sa mga paaralan, dahilan upang mas marami pang mga bata ang maabot ng saya dulot ng bagong negosyo ni Viy Cortez.

Upang mas makatulong sa mga magulang at mga chikiting, niregaluhan ng first-time mom ng mga educational books, toys, at learning materials ang ilang batikang mommy vlogger at influencer sa bansa. 

Sa isang TikTok video, ipinakita ng TikTok star na si Mommy Macy ang mga libreng produkto mula sa TP Kids. 

“Nakakatuwa kasi nakipag-collab talaga siya [Viy Cortez] sa akin. ‘Di ko ineexpect mga marekoy na ganito karami yung ipapadala niya sa akin,” ani Mommy Macy.

“Sobrang excited ko para kay Jaze. Alam n’yo naman, sobrang hilig niya yung mga libro. Saktong-sakto din kasi sobrang tagal ko nang di bumibili ng libro” dagdag pa nito.

Bukod kay Mommy Macy, binigyan din ng regalo ni Viviys ang Facebook sensation na si Ciara Magallanes, a.k.a Mommie Diaries, at ang anak nitong si Ate Diaries.

Sa Facebook post ni Ate Diaries, nagpasalamat ito sa mga natanggap na mga libro at laruan mula sa TP Kids.

“​​Ang dami ko po bagong books from TP Kids. Syempre po may pa-giveaway ako sa mga friends ko na followers ko po. Please wait for my vlog soon po. Maraming salamat po, TP Kids and Ma’am Viy! Sobrang happy po talaga kami ni mommy ko.”

Who’s Next?

Samantala, sa isang TikTok video, inanunsyo ni Viy Cortez na naghahanap pa sya ng ibang mommies, daddies, at chikiting na pauulanan ng regalo mula sa TP Kids. 

“Naghahanap pa ako ng mga mommies and babies na mapagbibigyan ng PR kit ng TP Kids and naghahanap din ako ng mapagbibigyan ng PR kit ng VIYLine Skincare or VIYLine Cosmetics,” ani Viviys.

“So i-tag nyo lang kung sino yung gusto niyo na mabigyan ko or kung gusto nyong kayo, mag-comment lang kayo at i-like yung TP Kids at VIYLine Cosmetics na TikTok account. Yun lang mga Viviys, then mamimili na ako, i-PM (private message) ko kayo,” dagdag pa nito. 

So ano pang hinihintay nyo mga kapitbahay? Sugod na sa TikTok shop ng TP Kids at VIYLine Cosmetics at malay nyo, kayo na ang susunod na makatanggap ng pamasko mula kay Viy Cortez.

Yenny Certeza

View Comments

  • Hello po miss Viy Cortez and TP Kids sana mpili nyo po ung mga pamangkin ko masisipag po mag aral lalo na ung 3 yrs old na mahilig sa books kaya inenrol na po in kc want nya na mah aral sana mapili nyo po kami tha ks po

    • i have 2year oldboy sobrang hilig nya sa mga colors, animals, letter and numbers .. kya gustong gusto ko syang mgkaroon ng mga learning toys and books pra lalo pa syang maenhance kaya sana tp kids Ms Viy cortez sna mapili po ang anak ko na mbgyan nyo nito slamat po 😁

  • Hi po sana isa sa mapili naapagbigyan Ng mga books para sa anak ko na grade 3 mahilig din po Siya mag basa. Godbless Mami Viy baby kidlat

  • Hello po maam viy sana isa poko mapili para sa aking anak na daycare dahil modular lang po siya para matuto ng husto sana isa po siya mapili maraming salamat po. pagpalain po kayo palagi ng panginoon.😊

  • Ms. Viy hoping na mapili Ang 4yrs old son ko, more books more kaalaman for him. He is super Bibo & pogi,, he Ang his kuya watch Kong's Vlog,, anlakas lagi Ng tawa nya while watching😂

  • Sana po mapili para sa anak ko 15 months po sya and nakikitaan ko na po sya sa hilig sa mga libro lalo na yung mga may pictures. Sana po mapili Ms Viy, student mom po ako at gusto ko pong mas mabaling atensyon ng anak ko sa books and toys kysa sa phone. Thank you po 😘

  • Sana mapili anak ko para madami syang activity, isa po syang ausome kids naway isa kami sa mapili ni viy. 😊

  • Sana po mapili yung baby ko. 3 years old na po siya mahilig po siya sa numbers and letters. Next year mag aaral na din po siya kaya bug help din po sa kanya yung mga books po and other activity for learning po. Sana mapansin niyo po siya. Thank You po Ms. Viy. 💙💙

    #ViyCortez #TPKids #EducationalBooks #EducationalToys #LearningMaterials #ViylineMediaGroup

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

2 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

2 days ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

3 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

3 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

3 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

3 days ago

This website uses cookies.