Yiv Cortez Shares a Glimpse of her Life as a ‘Kolehiyala’

Kakaibang twist ang hatid ni Team Payaman Next-Gen Sweetheart Yiv Cortez sa kanyang bagong vlog kung saan pinakita nito ang kanyang buhay bilang ganap na kolehiya. 

Sagot na ng bunsong kapatid Viy Cortez ang pasilip sa kwelang “a-day-in-the-life of a college student” for today’s video. 

Aral muna bago gala

Nabanggit ni Viy Cortez sa kanyang nakaraang vlog na hindi agad nakasunod si Yiv sa birthday celebration ng kanilang Mama Imelda Cortez dahil sa kanyang exams sa paaralan.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi naman ng 18-anyos na vlogger ang kanyang kaganapan sa pinagdaanang exams bago sumunod sa bakasyon grande ng Pamilya Cortez. 

Matapos ang exam ay agad na nagtungo ang dalagita sa kinaroroonan ng kanyang pamilya upang ipagdiwang ang kaarawan ng nanay nito sa The Vineyard at Tanauan.

Agad na nagmano at nakipag-kwentuhan ang bunso ng Pamilya Cortez sa kanyang mga kamag-anak na dumayo pa upang makisaya sa selebrasyon. 

At syempre, agad din namang binati ng Teens by VIYLine Skincare ambassadress ang kanyang mama ng isang matamis na “Happy Birthday.” 

Bakasyon ala Yivis

Nilibot naman ng Team Cortez ang nasabing pasyalan at dumeretso na rin sa kainan upang magsalo-salo ng tanghalian kasama ang buong pamilya.

Pagod man sa kanyang exams, naging sulit naman ang pagsunod ni Yiv dahil aniya, maganda ang tanawin ng nasabing lugar at tiyak na makakapag-relax siya.

“Ang ganda dito guys, grabe! Alam nyo, ang saya mag-emote dito. Mahal nga lang [ang presyo]!” biro ni Yiv.

Nakipag kulitan rin ang dalagita sa kanyang mga pamangkin na sina Liyah at Samsam, dahilan upang mas lalong mag-enjoy sa kanilang maiksing bakasyon.

Kinabukasan, hindi pa rin nawala sa prayoridad ng ating kolehiyaka sa kanyang pag-aaral kung kaya naman online class mode on si Yiv habang nakatambay sa harap ang magandang tanawin sa nasabing resort.

Matapos ang ilang araw na kasiyahan, back-to-normal muli ang mag-anak na Cortez dahil oras na para bumalik sa kanilang tahanan at magsimula na muling mag-aral at trabaho.

Kani-kanilang goodbyes ang ibinahagi ng Cortez Sisters sa kanilang kasamang mga kamag-anak na nagmula pa sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.