TP Kids Holds First Book Fair at Philippine Christian University

Tulad ng ipinangako ni VIYLine CEO Viy Cortez, bibistahin ng kanyang bagong negosyo na TP Kids ang iba’t-ibang paaralan sa bansa. Para sa kanilang kauna-unahang Book Fair, dumayo ang TP Kids sa Philippine Christian University (PCU) – Union High School of Manila. 

Ang TP Kids ay naglalayong maibalik ang hilig ng mga chikiting sa pagbabasa ng libro upang maiwasan ang exposure sa gadgets. 

Hindi na bago kay Viy ang pagbebenta ng educational materials dahil ito ang naging negosyo ng kanyang mga magulang sa loob ng dalawang dekada. 

TP Kids Book Fair

Mula Sept. 27 ay naka-pwesto na ang TP Kids team sa nasabing paaralan upang hikayatin ang mga kabataang mag-aaral na muling ma-enganyo sa mga educational books, toys, at learning materials. 

Isa ang TP Kids naimbitahan ng PCU Union High School of Manila kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 76th Founding Anniversary. Ang TP Kids Book Fair sa nasabing paaralan ay bukas hanggang sa Huwebes, Oct. 6, 2022. 

Kabilang sa mga murang libro na makikita sa nasabing Book Fair ay mga jumbo storybooks, writing activity books, at coloring books na mabibili lang sa halagang Php 40 hanggang Php 150. Available din ang mga ito sa official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng TP Kids. 

Samantala, hindi naman pinalampas ni Viy Cortez ang pagkakataon na dumalo sa kauna-unahang Book Fair event ng TP Kids. Excited naman siyang sinalubong ng mga high school students ng PCU. 

Ayon kay TP Kids Coordinator Avy Cruz, naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga mag-aaral ng PCU Union High School of Manila. 

“Asahan nila na bawat school fair na mapuntahan namin ay makakapag dala pa kami ng affordable books and toys para sa mga students,” ani Cruz. 

“And of course, surprises! Malay natin kung sino ang susunod na Team Payaman members na dadalo sa mga susunod na school fairs na sasalihan ng TP Kids,” dagdag pa nito.

Kaliwa’t-kanan naman ang hiling ng netizens na sana ay mabisita rin ng TP Kids ang paaralan ng kanilang mga chikiting. 

Abangan kung saan sunod na susugod ang TP Kids! Siguruhing naka-follow sa kanilang official Facebook page para maging update sa susunod na TP Kids Book Fair. 

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

8 hours ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

8 hours ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

9 hours ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

1 day ago

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

2 days ago

This website uses cookies.