Viy Cortez Tour Viewers on Her New ‘Artista Van’

Kilala si Viy Cortez sa kanyang pagiging pursigido na makapundar ng mga kagamitang tiyak na magagamit ng kanyang mga pamilya, kaibigan, at mga empleyado.

Sa panibagong pagkakataon, nakapag pundar muli ang 26-anyos na vlogger ng kanyang bagong sasakyan na binasagan nyang  “artista van.”

Van Tour

Sa kanyang bagong vlog, buong galak na ibinahagi ng VIYLine CEO ang kanyang bagong pundar na sasakyan na katas ng kanyang pagsisikap.

Kasama ang longtime boyfriend nitong si Cong TV, ibinida ni Viy Cortez ang laman ng kanilang bagong biling van na balot ng khaki-cream na disenyo.

Bago pa man simulan ni Viviys ang kanyang artista van tour, binigyang linaw ng vlogger na bago bumili ng bagong sasakyan ay buong puso nyang pinakawalan ang kanyang lumang van upang mapakinabangan muli ito ng susunod na may-ari.

Pagkabukas ng pinto ay bumungad ang two-seater captain seat na nagsisilbing “trono” ng YouTube power couple. 

Kakaiba ang atake ng bagong artista van ni Viviys dahil taglay nito ang built-in TV at speakers na swak na swak sa mahahabang byahe o di naman kaya ay pampalipas-oras ng unico hijo nitong si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

“Ang pinaka-nagustuhan ni Cong ay ito [automatic window], so pag nagpapa-suso ako guys, hindi na niya ako kinukurtinahan,” paliwanag Viviys.

Ibinahagi rin ng first-time mom na kumpleto ang kanilang van ng mga lagayan ng gamit ni Baby Kidlat , dahilan upang mas maging komportable ang kanilang byahe.

Hindi rin nawala sa listahan ang pagkakaroon ng portable WiFi router upang madali pa ring makasagap ng signal, makapag-trabaho, o hindi kaya’y makapag-libang ang mag-anak sa bawat lakad nito.

Ipinagmamalaki rin nina Viy at Cong ang pagkakaroon nito ng virtual assistant technology o mas kilala bilang “Alexa.”

Bukod rito, kumpleto rin sa appliances ang artista van ng CongTViy couple na sakto sa kanilang pangangailangan kapag umaalis ng kanilang tahanan.

“Ang pinaka-best [na appliance] sakin is itong ref, kasi kapag umaalis kami, may dala akong pasteurized [milk] ni Kidlat,” dagdag pa ni Viy.

Syempre, hindi kumpleto ang isang artista van kung walang built-in comfort room. Ipinakita pa ni Cong TV ang kanyang magiging pwesto kung sakali mang abutan sya ng tawag ng kalikasan habang nasa byahe.

At syempre, hindi pinalampas ng 30-anyos legendary vlogger na masubukan ang built-in karaoke ng kanilang bagong sasakyan. Agad-agad itong kumanta na siya namang ikinatuwa ni Viy Cortez.

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

23 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.