Panibagong kwentuhan na naman ang hatid sa atin ng ilang Team Payaman boys sa bagong episode ng Payaman Insider podcast sa Spotify.
Pinag usapan naman ngayon nina Junnie Boy, Burong, Boss Keng, at Tryke Gutierrez ang ilang pagbabago sa larangan ng pelikula. Bilang isa sa mga manonood ng local at international films, iba’t-iba ang naging saloobin nila sa nasabing paksa.
Storytelling
Pagdating sa usapin ng kwento sa mga pelikula, tingin ng Payaman Insider boys ay tumaas na ang standards ng mga manonood.
Ayon kay Tier One Entertainment CEO and Co-Founder Tryke Gutierrez, sa tingin nya isa ang Game of Thrones sa nagbago ng tema ng mga palabas. Bagamat hindi aniya pelikula ang nasabing HBO series, isa ito sa mga nagpakilala sa publiko na maaaring gumawa ng kwento ng walang isang bida o kontrabida s istorya.
Para naman kay Boss Keng, mas tumalino rin ang mga direktor at manunulat sa likod ng mga pelikula dahil sa mga kakaibang plot twist sa mga istorya na napapanood natin ngayon.
Umaasa naman si Junnie Boy na sana ay tigilan na ng mga Pinoy ang pagkakaroon ng “kabit story” sa mga pelikula.
“Ito ang napansin ko sa pinoy (story) writing, ayaw nilang sumugal ng bagong plot kasi meron ng plot na gumagana. Bakit mo aayusin kung gumagana naman, patok pa rin sa takilya?” segunda ni Tryke.
Favorite Filipino Films
Pinagusapan rin ng Payaman Insider hosts ang kani-kanilang paboritong Pinoy movie na tumatak sa kanilang puso.
Unang ibinida ni Junnie Boy ang pelikulang “Seven Sundays” na pinagbibidahan nina Aga Mulach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez.
“Sobrang ganda nyan, Boss Tryke! Talaga yung iyak ko dyan (matindi)” ani Junnie Boy.
Typical Pinoy family film din ang umantig sa puso ni Boss Tryke, at ito ay ang sikat na sikat na “Four Sisters and a Wedding.”
“For me, napakita nito yung dynamic ng Pamilyang Pilipino. May panganay na mataas yung pressure, may second child na ginawa ang lahat, parang kumpletos rekados yung pinakita,” paliwanag ni Tryke.
Level up Pinoy Movies
Sa huli, nanawagan ang grupo sa mga producer ng pelikula na maging mas bukas sa mga bagong ideya pagdating sa istorya ng pelikula.
“For once, take a risk. Lahat tayo nag uusap about seeing other things in (Filipino) films and I think kayo naman talaga yung may hawak kung ano yung pwedeng mangyari sa industriya,” ani Tryke.
“It think its about time to step up our game in taking risks and really testing out new formulas pagdating sa film,” dagdag pa nito.
Nanawagan din sina Burong at Boss Keng na bigyan ng sapat na budget at oras ang mga graphic artist sa bansa para mas mapaganda pa ang kalidad ng pelikula.
Dagdag pa ni Junnie: “Maraming nakatago dyan sa tabi-tabi na hindi nyo alam na may grabeng potensyal. Hindi lang nakikita baka kasi kulang sya ng resources na malalapitan.”
Listen to the full episode below: