Carding Magsino Shares Mind Blowing Facts About Monopoly Board Game

Time out muna sa travel vlogs dahil stay-at-home ang peg ng ilang miyembro ng Team Payaman kamakailan lang 

Napagkatuwaan nina Carding Magsino, Kevin Hufana, Kha Villes, Tin Piamonte, Eve Marie Castro, at Pat Velasquez-Gaspar ang paglalaro ng board game na Monopoly.

Kumusta naman kaya ang naging takbo ng kanilang board game night? Magkakaibigan pa rin kaya sila matapos ang nakaka-intrigang laro?

TP Plays Monopoly

Sa bagong vlog ng resident Physical Therapist ng Payamansion na si Carding Magsino, ibinahagi nito ang kanilang paglalaro ng board game na monopoly.

Bago pa man magsimula, pinasadahan na agad ni Carding ang mga kalaro ng isang trivia ukol sa nasabing laro. 

“Alam n’yo ba kung anong ibig sabihin ng monopoly?” tanong ni Carding.

“Ang monopoly parang ikaw lang ang may ari, parang inaangkin mo (lahat), sayo lang,” sagot ni Kevin Hufana.

Pero kwento naman ni Carding, isang babae ang nag-imbento ng board game na Monopoly at ito ay si Elizabeth Magie. 

“Alam niyo ba yung nag-imbento nito, minonopolize sa kanya yung laro na yan?” ani Carding. 

“Ang tunay niyang (laro) pangalan, ‘The Landlord’s Game.’ Yung larong yon hindi siya sumikat. Ang ginawa ni Elizabeth Magie kinopya nya at dinala sa ibang bayan, hindi niya na-own yung mismong ownership, hanggang sa yung laro, nabago ng nabago,” dagdag pa ito. 

Kwento pa ni Carding, isang lalake na nagngangalang Charles Darrow ang sinubukang ibenta ang nasabing laro sa Parker Brothers.

Pero imbes na bilhin kay Charles Darrow ay hinanap ng nasabing manufacturer si Elizabeth Magie para bilhin ang The Landlord’s Game at nangakong gagawa ng maraming kopya para ibenta.

“Pero alam niyo kung anong ginawa ng Parker Brothers? Hindi sila gumawa ng maraming kopya, ang pinasikat nila yung Monopoly at naiwan yung The Landlord’s Game.”

May bago na naman tayong natutunan kay Carding! Tulad nga ng sabi nito: “Mas pogi ka kapag marami kang alam.”

TP Pranks Ninong Ry

Nagtungo naman ang ilang TP Wild Dogs na sina Carding, Mentos, Beigh, at ilang video editors sa bahay at kitchen studio ng kilalang YouTube food vlogger na si Ninong Ry.

Hindi kumpleto ang isang TP vlog kung wala itong baong pasabog na siyang ipinakita ni Carding sa pamamagitan ng isang prank para kay Ninong Ry.

Ayon kay Carding, isinama nila ang mga bagong editors nina Yow Andrada at Vien Iligan-Velasquez sa tahanan ni Ninong Ry, pero nagpanggap na hindi nila kilala ang mga ito, dahilan upang maguluhan ang sikat na kusinero ng YouTube. 

Game na game rin namang nanguntsaba ang mga kasamahan ni Ninong Ry sa layuning matagumpayan ang prank para sa nasabing content creator.

Mission passed ang peg ng TP Wild Dogs dahil matagumpay nilang na-prank ang chef vlogger na si Ninong Ry.

Tinapos ng magkakaibigan ang gabi sa isang masaya at kwelang kwentuhan na sinamahan ng pagkain ng masasarap na putahe na luto mismo ni Ninong Ry.

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
970
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *