Part 2: Viy Cortez Happily Documents Baby Kidlat’s First Vacation

Noong nakaraang linggo ay unang ibinahagi ni Viy Cortez ang kauna-unahang out of town trip ng kanilang pamilya kasama ang unico hijo nila ni Cong TV na si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

Kasabay ng bakasyon ay ang masayang selebrasyon ng kaarawan ng ilaw ng tahanan ng pamilya Cortez na si Ginang Imelda.

Ngayon ay hatid muli ni Viviys ang ikalawang bahagi ng kanilang hindi makakalimutang bakasyon  kasama ang pamilya Cortez at ang mag-amang Cong TV at Baby Kidlat.

Day 2 at The Vineyard

Sa kanyang bagong vlog, muling ibinahagi ng 26-anyos na vlogger ang mga kaganapan sa likod ng masayang selebrasyon ng kaarawan ni Ginang Imelda Cortez.

Sinimulan ng YouTube power couple ang kanilang  morning routine kung saan kabilang ang paglanghap ng sariwang hangin at pagdala kay Baby Kidlat sa swimming pool upang paliguan sa kanyang mahiwaga ngunit cute na baby tub.

Bago pa man simulan ang pagpapaligo kay Baby Kidlat, agad na may reyalisasyon si Mommy Viy: “Dati nagbabakasyon kami [ni Cong] dalawa lang kami, ngayon… tatlo na kami!” 

Hindi nagtagal ay naligo na si Baby Kidlat sa kanyang mini-batya na sa tulong ng kanyang Daddy Cong at Mommy Viy. Tila enjoy na enjoy ang Team Payaman baby sa kanyang bath time!

Samantala, mas naging espesyal ang ikalawang araw ng bakasyon ng grupo sa The Vineyard at Tanauan dahil humabol ang bunso ng pamilya Cortez na si Yiv matapos ang exam nito.

At syempre, hindi kumpleto ang bakasyon kung wala ang walang katapusang pagsasalo-salo ng masarap na pagkain at hindi malilimutang kwentuhan.

Matapos nito, hindi rin pinalampas ng pamilya Cortez ang subukang mag-picnic sa ilalim ng maaliwalas na kalangitan at masarap na simoy ng hangin bago bumalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

1 hour ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

3 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

1 day ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

4 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

4 days ago

This website uses cookies.