Payaman Insider Boys Look Back on Their Favorite Filipino ‘Ber Months’ Traditions

Panibagong podcast episode na naman ang hatid sa atin ng Payaman Insider, kasama sina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, at Tier One Co-Founder Tryke Gutierrez. 

Pinag usapan naman ngayon ng barkada ang ilang tradisyon ng mga Pinoy sa tuwing sasapit na ang “Ber Months.”. Kabilang sa kanilang mga pinag kwentuhan ay ang pinaka aabangang pagdiriwang ng mga bata at matanda, ang Kapaskuhan!

Paskong Pinoy

Isa sa mga pangunahing senyales na opisyal ng pumasok ang “Ber Months” sa bansa ay ang muling pagdinig natin sa mga Christmas Song na pinasikat ni Jose Mari Chan. 

Ayon sa Payaman Insider hosts, ang 77-anyos na singer ay isa ng opisyal na simbolo ng Pasko sa Pilipinas. Sa tuwing maririnig anila kasi ang mga awitin ni Jose Mari Chan, ito ay senyales na papalapit na ang Pasko. 

Binahagi naman ni Burong na isa sa kanyang paboritong tradisyon tuwing Pasko ay ang bigayan ng mga regalo. 

Para naman kay Junnie Boy, excited siyang mag-decorate ng kanilang kwarto sa Payamansion para maramdaman ang diwa ng Pasko. 

“Nakakagana siya ng utak kung papaano mo pa pagagandahin yung lalo yung tahanan niyo. Yung bahay niyo paano magmumukhang ka-pasko-pasko, yung masaya yung vibes, makulay!” ani Junnie Boy. 

Samantala, sina Boss Keng at Boss Tryke naman ay excited sa Simbang Gabi at Noche Buena. 

“Iba kasi yung pakiramdam na naghahanda kayo, nagkakaroon ng gathering. Usually sa mga families na may mga overseas nagwo-work, yan yung time na andyan silang lahat, nag-uuwian lahat. Kakaiba syang tradisyon!” paliwanag ni Boss Tryke. 

Pero dahil sa nagdaang higit dalawang taon sa pandemya, karamihan sa mga tradisyon na ito ay unti-unting nawala. Kabilang na anila dyan ang pagsasalo-salo ng magkakapitbahay, pamamasyal tuwing Pasko, at pagbahay-bahay ng mga bata upang mamasko. 

Para sa Tier One big boss, namimiss na din daw niya ang pamimigay ng mga bago at malutong na perang papel na tig-bebente pesos. Si Boss Keng naman ay hindi naiwasang alalahanin ang pagpunta sa bahay ng ninong at ninang para mamasko.  

“Ngayon hindi na uubra eh! Nakakatakot na kasi na dadalhin mo yung bata don, mamaya yung puntahan mo ay may sakit,” ani Boss Keng. 

Halloween sa Pinas

Isa pang tradisyon tuwing “Ber Months” ay ang tinaguriang “Todos Los Santos” o ang paggunita sa Araw ng mga Patay tuwing November 1 at 2. 

Ayon kay Tryke, tila sa Pilipinas lang uso ang pagbisita sa labi ng mga mahal sa buhay tuwing Nobyembre kung saan nagsasama-sama rin ang buong pamilya. Inalala rin ng Payaman Insider boys ang mga nakakatakot na palabas sa TV tuwing sasapit ang Todos Los Santos. 

Samantala, kanya-kanya namang isip sina Junnie Boy, Burong, Boss Keng, at Boss Tryke ng nais nilang suoting costume kung sakaling pupunta sa isang Halloween Party sa Pilipinas. 

Listen to the full episode below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

2 days ago

Stay Fresh this ‘Ber Months’ with SNAKE Brand by Viyline

It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…

2 days ago

Boss Keng Receives Heartwarming Greetings on His 33rd Birthday

Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…

4 days ago

Yiv Cortez Expands Business with the Launch of ‘Charms by Yiva’ Bracelet Line

From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…

4 days ago

Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…

4 days ago

Top 3 Viyline Cosmetics Products You Need This ‘Ber’ Season

Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…

4 days ago

This website uses cookies.