Mapapansin sa mga nagdaang vlog ni Boss Keng ng Team Payaman na kaliwa’t-kanan ang kanyang mga adventure kasama pamilya at mga kaibigan.
Nasasama rin sa nasabing paglalakbay ang manager ng Wagyuniku by Pat and Keng na si JP. Ngunit ngayon, may bagong biktima, este, tropa si Boss Keng sa isa na namang “biglaang” gala at pasyal.
Ano na naman kaya ang “maputing balak” na inihanda ni Boss Keng sa kanyang mga masisipag na empleyado?
Maitim na balak is out, maputing balak is in!
Sa kanyang pinakabagong vlog, hindi lamang ang mga editors na sina Rohmil at Angel ang biktima ng “Maputing Balak Bembi” ni Boss Keng, dahil damay sa kanyang bagong trip ang mga Wagyuniku BF Aguirre crew na sina Nicko at Joriel.
Biglaang “swimming sa resort” ang tema ng nasabing vlog kung saan animoy kinidnap ni Boss Keng ang dalawa mula sa kanilang duty at biglang sinama sa gala.
Gaya ng nakasanayan, hindi inabisuhan ni Boss Keng ang kanyang mga kasama. Nagkunwari itong kakain lang sa Tagaytay City, pero diresto pala sa isang private resort ang grupo.
Pagdating sa destinasyon na Keikenn Private Resort ay saka lang nalaman nina Angel, Rohmil, Nicko, at Joriel ang “maputing balak” ni Boss Keng. Wala nang nagawa ang apat kundi humalakhak na lang at sakyan ang trip ng Wagyuniku owner.
“Ano pang hinihintay n’yo? Swimming na!” pabirong aya ni Boss Keng.
Dahil nga biglaan, wala ring dalang mga gamit sina Boss Keng at ang kanyang team. Kaya naman kanya-kanya langoy ang ginawa nila sa nasabing resort.
Bagamat walang dalang mga gamit, baon-baon naman ng mga kalalakihan ang masasaya at hindi malilimutang alaala.
Matapos ang nakakagutom na swimming trip buong araw, nagtungo ang grupo sa Ningnangan sa Bacoor, Cavite at masayang pinagsaluhan ang mga katakam-takam na putahe.
Matapos kumain, nagtungo na ang grupo sa kanilang ‘final destination’ na massage session upang kumpletuhin ang “mini vacation day.”
Ayon kay Boss Keng, ang masahe ay isang reward para sa sipag sa pagtatrabaho ng dalawa sa Wagyuniku by Pat and Keng.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.