Team Payaman and VMG Join Forces for the First ‘Payamansion Proposal’

Nagsabwatan ang buong pwersa Team Payaman at VIYLine Media Group (VMG) upang maisakatuparan ang kauna-unahang marriage proposal na ginanap sa Payamansion. 

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Cong TV ang nakakakilig na eksenang naganap sa kanilang tahanan. Napa-sana all ang lahat sa espesyal na sandali na hudyat ng panibagong yugto sa buhay ng magkasintahang Ritz at Maricon. 

Pero bago tuluyang naging tagumpay ang naturang proposal, sandamakmak na pagpapanggap muna ang ginawa ng dalawang grupo para hindi makahalata si Maricon sa balak ng kanyang longtime boyfriend na si Ritz.

Maricon and Ritz

Si Maricon Llapitan ay isang authorized city distributor ng VIYLine Skincare mula pa sa Cagayan Valley. Kamakailan lang ay nagbakasyon sila ni Ritz sa Tagaytay City upang ipagdiwang ang kanilang 7th anniversary pati na rin ang kaarawan ni Ritz. 

Lingid sa kaalaman ni Maricon, habang nasa kalagitnaan ng memorable date sa Tagaytay ay kinasabwat na ni Ritz si Mr. Rolando Cortez, ang ama ni Viy Cortez at General Manager ng VIYLine Group of Companies (VGC), para dalhin sa VIYLine office ang kanyang nobya. 

Ayon kay Ritz, matagal ng fan ni Viy Cortez at ng buong Team Payaman si Maricon, kaya naman naisipan nyang bumisita sa VIYLine office bago sila bumalik ng Cagayan. 

Kwento pa ni Ritz sa VMG, higit anim na buwan na ang nakaraan ng bilhin niya ang engagement ring para kay Maricon, pero naghihintay lang ito ng tamang panahon para alukin siya ng kasal.

Habang nasa VIYLine office ay nagkunwari ang VMG na kapanayamin si Maricon at bigyan ng exclusive tour sa VIYLine Skincare warehouse. Ang hindi niya alam ay papunta na pala sya sa pinakasikat na content house sa bansa. 

First Epic Payamansion Proposal

Pagdating sa Payamansion ay halos manginig sa kaba si Maricon dahil makikita na niya ang mga vlogger na dati nya lang napapanood sa YouTube. Pero wala pa rin itong ideya sa surpresang babago sa kanyang buhay. 

Mainit na sinalubong ng buong Team Payaman ang magkasintahan sa pamumuno ni Cong TV. Nagkunwari din itong nag-aalok ng “Payamansion House Tour Services and Meet and Greet Package” para diumanoy makilala ang buong Team Payaman.

Habang nagpi-picture taking si Maricon kasama ang Team Payaman, hindi nya alam na nasa likod ang nobyong si Ritz at handa na sa kanyang proposal. 

Matapos ang tagumpay na proposal sa Payamansion ay tila nananaginip pa si Maricon sa nangyari sa kanya. 

“Hindi ako makapaniwala talaga, nanginginig pa ako,” ani Maricon. 

Dagdag naman ni Ritz: “Thank you sa VIYLine at sa Team Payaman. Salamat po.”

Abangan ang kabuuan ng kwento sa VIYhind the Scene episode sa official YouTube channel ng VIYLine Media Group. Subscribe na! 

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 hour ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

This website uses cookies.