Viy Cortez Cherishes First Family Gathering With Baby Kidlat

Kamakailan lang ay top trending na naman ang mga larawan ng unico hijo nina YouTube power couple Cong TV at Viy Cortez. 

Hindi lamang ang pagba-balik alindog ni Viviys ang usap-usapan sa social media, dahil marami rin ang nanggigil sa taglay na cuteness at pagiging bibo ni Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Ang mga litrato na ibinahagi ng 26-anyos first-time mom ay kuha mula sa first out of town trip ni Baby Kidlat kasama ang pamilya Cortez. 

Lola Imelda’s Birthday Celebration

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Viy Cortez ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng unang bakasyon ng kanilang pamilya kasama ang dalawang buwang gulang na si Baby Kidlat.

Dahil kaarawan ng ilaw ng tahanan ng pamilya Cortez, nagsilbing regalo ni Viviys ang kanilang munting bakasyon kasama ang buong pamilya.

Labis naman ang tuwa ng ina at mga kapatid ni Viviys sa pagiging maalalahanin at mapagbigay na anak at kapatid nito.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Ate ni Viy na si Ivy Cortez-Ragos ang kanyang pasasalamat.

“Viy Cortez, maraming maraming salamat sa pa bakasyon mo sa pamilya! We are really grateful sa lahat lahat, kapatid! Salamat rin dahil napaka-bongga ng birthday vacay ni Mama. Viy, salamat sa pagmamahal na sobra sobra!” 

Kidlat’s First Vacation

Nabanggit ng VIYLine CEO na ito ang kanilang kauna-unahang bakasyon na buo ang kanilang pamilya.

“Napakasaya kasi ngayon lang kami makakapag out of town. Kasama pa si inang at saka yung ate ni Mama, si Tita Tess. Feeling ko sobrang magiging espesyal ‘to kay Mama kaya masaya ako, at bukod diyan kasama namin si Kidlat. So first ever alis (bakasyon) niya,” ani Viviys. 

Bilang paghahanda, hindi napigilang gayahin ni Viviys ang idolo nitong si Kathryn Bernardo sa kanyang hairstyle sa teleseryeng “2 Good 2 Be True.” 

“Sa kakapanood ko ng 2 Good 2 Be True, nagkanda ganito-ganito ako! Pagpasensyahan n’yo na yung buhok ko talaga. Ang feeling ko kasi dito Kathryn… naging Moana!” biro ni Viviys.

Nagtungo ang pamilya Cortez sa The Vineyard at Tanauan sa Batangas upang ipagdiwang ang birthday salubong ni Mrs. Imelda Cortez.

Bukod sa magagandang tanawin, naging mas espesyal ang selebrasyon ni Mrs. Cortez dahil sa mga taong kasama nito. Bukod kasi sa mga anak at apo ay present din ang lola ni Viy at iba pa nilang kamag-anak. Idagdag pa rito ang masarap na kainan na sinamahan pa ng masayang kwentuhan!

“Feeling ko isa ‘to sa mga ite-treasure kong events. ‘Di ba sabi nila, saka mo lang mare-realize yung importansya ng event kapag natapos na, pag memories na sya, saka mo siya ma-appreciate.”

“Kaya napaka thankful ko na ako ngayon na-appreciate ko na ‘tong mga moment na mangyayari ngayon, bukas… ay sobrang magiging memorable sa’kin.” 

Matapos ang masayang hapunan, hindi pa rin natapos ang sorpresa ni Viviys para sa kanyang mother dear sa kanyang aktwal na kaarawan.

Dala ang cake, sabay-sabay na umawit ang Team Cortez ng Happy Birthday song para kay Mrs. Cortez pagpatak ng alas dose ng madaling araw.

Isang maligayang kaarawan sa nag-iisang ilaw ng tahanan ng VGC at Cortez Family, Mrs. Imelda Cortez!

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.