Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Share Glimpse of Initial Preparation for Baby Viela

Higit tatlong buwan na lang ay opisyal nang madadagdagan ang pamilya nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ng Team Payaman. Kaya naman naghahanda na si Mommy Vien para sa pagdating ng kanilang bunso na si Baby Viela. 

Sa kanyang bagong vlog, pinasilip ng 25-anyos YouTube vlogger ang kaunting pagbabago na ginawa sa kanilang kwarto sa Payamansion bilang preparasyon sa kanilang baby number two. 

Handa na nga kaya ang Pamilyang Giyang sa pagdating ng kanilang baby girl?

Room update

Sa nasabing vlog, ipinakita ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang 3.1 million YouTube subscribers ang kaunting pagbabago sa kanilang kwarto para sa karagdagang supling sa kanilang pamilya. 

“Medyo may inayos-ayos kami sa kwarto sa kadahilanang kailangan na kailangan na naming gawin,” ani Vien. 

“Bukod don eh mag-eextend kami dito sa bahay. Bukod sa pag-extend nagpagawa na kami habang dito pa kami (titira) ng mga ilang taon pa,” dagdag pa nito. 

Isa na rito ay ang bagong cabinets para sa mga damit ng kanilang panganay na si Mavi at ng paparating na bunso. 

Makikita sa bagong cabinet ang mga damit ni Mavi at ang kaisa-isahang cute jumper dress para kay Baby Viela. Inilagay na rin dito ni Mommy Vien ang mga girly accessories na regalo sa kanilang bunso. 

Samantala, hindi naman napigilan ni Daddy Junnie na ma-excite para sa pagdating ng kanilang baby girl. Nag practice pa ito na tila i-hele si Baby Viela gamit ang isang cute pink onesie dress, na sya namang ginaya ni Kuya Mavi. 

Ikinatuwa naman ni Mommy Vien na ngayon ay makakabili na sila ng kilay color outfits dahil aniya, panay neutral colors lang ang binibili nilang damit noon para kay Mavi. 

Mavi’s haircut

Sa nasabing vlog ay pinakita rin ni Mommy Vien ang first haircut experience ni Mavi sa isang cute na kiddie salon sa mall. 

Game na game namang umupo sa kiddie barber’s chair si Mavi dahil sa disensyo nitong hango kay Lightning MacQueen.

“Exciting in the car!” ani Kuya Mavi. 

Nakakabilib naman ang kabaitan ni Mavi habang ginugupitan kung kaya perfect ang kinalabasan ng kanyang bagon haircut. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.