Steve Wijayawickrama Immerse Into Japanese Culture in New Travel Series

Kamakailan lang ay ibinahagi ng Team Payaman editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama ang kanyang naging karanasan papuntang Japan.

Sa kabila ng mga pagsubok bago makaalis ng bansa ay taas noo pa ring naghandog ng kakiaibang travel vlog series ang 24-anyos na Filipino-Sri Lankan vlogger.

Team Payaman Worldwide Represent

Hindi lang pang-Pilipinas ang Team Payaman dahil umabot na ngayon sa The Land of the Rising Sun ang kwelang vlog ng nasabing grupo sa pamamagitan ni Steve Wijayawickrama.

Sa kanyang bagong vlog, excited na ibinahagi ng dating editor ni Cong TV ang kanyang Japan Adventure na mas gumanda dahil sa kanyang creative editing skills na siyang hinangaan ng mga manonood.

Hindi nag-iisa si Steve dahil kasama nya sa kanyang paglalakbay sa Japan ang kapatid nito na nawalay sa kanya ng mahabang panahon.

Sinama ni Steve ang kanyang mga manonood sa isang virtual city tour, kung saan itinuturo nito ang ilan sa mga nakakamanghang paniniwala at kultura ng Japan, kasama na rito ang pagbati sa mga nakakasalamuha at tamang pagtawid sa kalsada.

Bukod sa kanyang kapatid, kasama rin ni Steve ang ubod na cute nitong pinsan na si Hiro na siya ring nagbibigay kasiyahan sa kanilang tahanan dahil sa angking kulit nito.

“Sinigang, adobo, tilapia, at tsaka pakbet!” sagot ni Hiro matapos itong tanungin ng kanyang Tito Steve kung ano ang mga alam nitong lutong Pinoy.

Matapos ang kulitan, nagtungo naman sina Steve kasama ang pamilya, sa kilalang kainan sa kanilang lugar, ang Coco Curry House, upang lubos pang maramdaman ang Japan Vibe Adventure.

Kasabay ng masarap na kwentuhan ay ang masarap na putaheng gawa mismo sa Japan na siya ring ibinahagi ni Steve sa kanyang vlog.

Matapos ang kainan ay nagtungo ang Wijayawickrama family sa isang amusement park upang matunghayan ang mga buwis-buhay na mga rides na siyang ikinatuwa ng pinsan nitong si Hiro.

Naging instant photoshoot na rin ang kanilang pagpasyal na siyang nagsilbing bonding nila ng kanyang kapatid at mga pinsan.

Sundan pa ang mga susunod na episode sa Japan Series ni Steve Wijayawickrama sa kanyang opisyal na YouTube channel!

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
760
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *