Team Payaman’s Junnie Boy Levels Up Zoo Vlog Adventure

Nagbabalik muli si Junnie Boy kasama ang mag-ina nitong si Vien Iligan-Velasquez at Mavi para sa isang epic zoo adventure vlog. 

Kumusta naman kaya ang one-day escape from the city ng mag-anak ni Junnie Boy? Naging memorable day kaya ang kanilang Zoobic Safari experience? 

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating tunghayan ang makapanindig-balahibong ekspedisyon ng Team Payaman.

Team Payaman Goes to Zoobic Safari

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 28-anyos na vlogger ang ilan sa mga nakakatuwang eksena sa pagbisita ng Team Payaman sa sikat na zoo sa Subic. Sa kasalukuyan ay nasa top 14 trending na ang naturang vlog ni Junnie Boy sa YouTube.

Pagpasok pa lang ay buwis-buhay na agad ang kaganapan dahil una nilang nakadaupang-palad ang legendary tiger ng Zoobic Safari.

Syempre, hindi nagpahuli sa pagkuha ng remembrance photos ang pamilya ni Junnie Boy sa kabila ng takot ni Mavi sa laki at bagsik ni Titan the Tiger.

“Goodbye, Titan!” pagbati ni Mavi matapos mag-selfie kasama ng nasabing hayop.

Nagmistulang wild life show ang ilang bahagi ng vlog ni Junnie Boy dahil sa iba’t-ibang uri ng mga hayop na nakasalamuha at pinakain pa nila. 

Puno rin ng tricks and trivias ang nasabing Zoobic Safari adventure hatid ng butihing tourist guide ng grupo.

Nagsilbi ring “family day” nina Junnie, Vien, at Mavi ang naturang zoo adventure dahil sa kakaibang karanasan ang nasaksihan nila kasama ang iba’t-ibang wild animals.

Wild Adventure

Bukod kay Junnie at Mavi, tila enjoy rin ang soon-to-be-mom of two na si Vien Iligan-Velasquez. Game na game na nakisali ang 5-months pregnant mommy sa mga aktibidad na handog ng Zoobic Safari.

Siyempre hindi kumpleto ang Zoobic Safari experience kung hindi makikilahok ang tropa sa mga programang hatid ng pasyalan. Buong tapang na hinarap ng nakababatang kapatid ni Cong TV na si Junnie Boy ang isang mini show na kung saan kailangan nyang buhatin ang mapaglarong hayop.

Bagamat maulan, hindi nito napigilan ang kagustuhan ng pamilya Velasquez at ilan sa mga miyembro ng Team Payaman na magsaya kasama ang mga alagang hayop ng Zoobic Safari.


Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

1 day ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

1 day ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

1 day ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.