Pat Velasquez-Gaspar Shares Glimpse of Her ‘Tita Duties’ with Baby Kidlat and Jasmine

Mukhang day off muna sa pagiging businesswoman si Team Payaman member Pat Velasquez-Gaspar matapos ipasilip sa publiko ang “Tita Duties” niya sa mga pinsan at pamangkin. 

Kabilang na dito ang pa-back-to-school shopping nya para sa pinsan na si Jasmine at ang unang beses na alagaan si Baby Kidlat.  Kamusta naman kaya ang pagiging stage tita ni Mrs. Gaspar?

Back-to-School Shopping

Dahil balik face-to-face classes na ang mga bata, to the rescue si Pat Velasquez-Gaspar para ipamili ng mga gamit sa eskwela ang kanyang pinsan na si Jasmine at kapatid nito. 

Ayon kay Pat, mahusay sa kanyang pag-aaral si Jasmine kaya naman hindi nakakahinayang bilhan ang mga pangangailangan nito. Kabilang sa mga pinamili ni Tita Pat para kay Jasmine ay ang bagong black shoes, bag, at school supplies. 

Pinasilip din nito na umabot sa tumataginting na P14,059 ang kanilang mga pinamili. Kaya naman biro nito kay Jasmine: “Sinasabi ko sa’yo, Jasmine, pag ikaw hindi nag-aral maigi, babawiin ko yan. Sisingilin ko yang 14,000!”

Bukod sa pamimili ng mga gamit ay hinihikayat din niya si Jasmine na mag-aral ng mabuti. 

“China-challenge ko sya at mino-motivate ko rin yung bata. Sabi ko sa kanya, once na pasok ka sa top 10 or with honors ka, bibigyan kita ng laptop.”

Paliwanag ni Mrs. Gaspar, bilang bunso sa magkakapatid na Cong TV, Venice Velasquez, at Junnie Boy ay naghahanap siya ng little sister noong bata pa sila. Kaya naman nang dumating si Jasmine ay naging kapatid na ang turing niya dito. 

Hindi rin napigilan ni Pat na alalahanin ang  pinagdaanan ng kanyang mga magulang para lang makapag-aral silang magkakapatid. 

“Alam mo ba na-feel ko kanina yung hirap ng buhay natin dati, kasi nung namimili ako ng gamit ni Jasmine, (naisip ko) siya palang nag-iisang bata pa lang ang gastos na. What more nung kaming apat na nag-aaral tapos pag back-to-school na lahat kami bibilhan nila mama ng gamit,” kwento nito kay Mommy Jo Velasquez. 

First Buhat kay Kidlat

Samantala, sa kanyang bagong vlog ay pinasilip din ni Pat Velasquez-Gaspar ang unang beses na alagaan ang panganay nina Cong TV at Viy Cortez.

Kitang-kita kung paanong tila nakipag-agawan pa ito sa pagbuhat kay Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

“So guys first time ko mabuhat si Kidlat, kasi hindi talaga pinapabuhat si Kidlat kasi nga lagi kaming labas ng labas,” paliwanag ni Pat. 

“Alam mo ba, bago ka mahawakan, kailangan muna ng swab (test), palit ng damit, mag-toothbrush, mag-hilamos, maligo, at mag-face mask,” dagdag pa nito. 

Pigil na pigil din ang tita na pang gigilan ang sobrang cute at tabachingching na Baby Kidlat. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

23 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.