Boss Keng Welcomes 30th Birthday with Surprises for ‘Wagyuniku by Pat and Keng’ Customers

Ilabas na ang mga plato dahil invited tayo sa virtual birthday celebration ng nag-iisang Boss Keng ng Team Payaman.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni YouTube vlogger Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng, ang kanyang ika-30 na kaarawan. Pero imbes na tumanggap ng regalos ay siya ang may surpresa na hatid sa mga customers ng Wagyuniku by Pat and Keng

One Week Birthday Celebration at Wagyuniku

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng kung paano nito sinalubong ang kaarawan kasama ang kapwa Team Payaman members. 

Pero wait, may catch! Hindi lang si Boss Keng ang makakatanggap ng regalo dahil napag-desisyunan nito na isama rin sa selebrasyon ang kanyang mga butihing empleyado at mga customer sa negosyo nilang unlimited Korean-Japanese barbeque grill restaurant.  

Bago pa man magtungo Wagyuniku BF Aguirre, sinimulan ni Boss Keng ang kanyang munting selebrasyon sa pagkain ng legendary siomai rice na kanya ring ibinahagi sa dalawang batang kanilang naabutan.

Samantala, naghanda naman ng pasabog si Boss Keng sa Team Wagyuniku kung saan may pagkakataong manalo ang mga customers ng tumataginting na PHP500, Boss Apparel, Free Shifudo Combo, 50% discount [consumable at Wagyuniku by Pat and Keng], VIYLine Items at Cong Clothing.

Bata man o matanda ay may pagkakataong manalo basta mag-avail ng Shifudo Combo ng Wagyuniku by Pat and Keng simula Sept. 9 hanggang Sept. 15.

Tila swerte ang buena mano ng palaro ng Wagyuniku dahil hindi man nakuha ng first (and youngest) contender ang mga premyo, may pa-birthday treat naman sa kanila si Boss Keng na 50% off discount!

Bukod sa bata, marami rin ang nakilahok sa birthday palaro ni Boss Keng, kabilang na rito ang ilan sa mga empleyado na masayang nag-uwi ng mga premyo.

Celebrate with Boss Keng

Nabusog ka na, nag-enjoy at nanalo ka pa! Sugod na sa Wagyuniku by Pat and Keng BF Aguirre Branch sa 146 Aguirre Ave. BF Homes, Parañaque City at subukan ang kanilang ipinagmamalaking Shifudo Combo na naglalaman ng mga sumusunod:

Para sa mga reservation at inquiries, maaring tumawag sa 0956-435-2644 o mag-send ng menshage sa opisyal na Facebook page ng Wagyuniku by Pat and Keng.

Ano pang hinihintay ninyo? Isama na ang buong pamilya at maki-isa sa week-long celebration ni Boss Keng!

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.