Cong Clothing Releases New ‘Makin’ It Happen’ Collection

Panibagong araw, panibagong aesthetic collection na naman ang hatid ng Cong Clothing. Ang bagong mga design ng clothing apparel line ni Cong TV ay inaasahang papatok na naman sa madla. 

Matapos ang matagumpay na release ng “Kidlat” collection, panibagong koleksyon na naman ang yayanig sa mundo ng local clothing industry. 

Hatid na ng VIYLine Media Group (VMG) ang inyong ultimate buying guide sa pinakabagong “Makin’ It Happen Collection” ng Cong Clothing.

The Making

Kilala ang Cong Clothing sa mga kasuotang may sentimental na kahulugan sa Team Payaman at sa founder nitong si Cong TV. 

Sa pinakabagong “Makin’ It Happen Collection,” nais iparating ng grupo na “LAW OF ATTRACTION EXIST.”

Ang nasabing kataga ay isang paniniwala na isinasabuhay ng renowned YouTube vlogger na si Cong TV. Para sa sikat na vlogger, nakatulong ang mindset na ito sa kanyang tagumpay. 

Nagsilbing mantra ng 30-anyos na vlogger ang “LAW OF ATTRACTION” sapagkat ito’y nangangahulugang mapapasaiyo ang minimithi kung ikaw ay buong loob na naniniwala na nakalaan para sayo ang isang bagay o tagumpay.

Bukod kay Cong TV, naging paniniwala na rin ng buong Team Payaman ang nasabing kataga, na siyang sinusuportahan at tinatangkilik ng kanilang mga taga-suporta mula pa noon.

Makin’ It Happen Collection

Ngayong Setyembre, hatid ng Cong Clothing ang bagong koleksyon ng mga kasuotan na hango sa paniniwalang “Law of Attraction Exist.”

Ang Makin’ It Happen Collection ay opisyal na inihandog sa lahat ng Chicken Feet Gang at mga taga-suporta ng Team Payaman nitong nakaraang Sept. 7.

Hindi lang isa o dalawa, kung hindi limang disenyo ng kasuotan ang handog ng koleksyon na ito na syang swak na swak sa pang-araw araw.

Ang bawat disenyo ay may kanya kanyang inspirasyon upang bigyan ang mga mamimili ng opsyon depende sa kanilang tipo.

Ayon rin kay Bossing Cong TV, pinili nyang maging “oversized” ang sukat ng mga ilalabas na damit ng Cong Clothing dahil sa taglay na kaginhawaan nito sa balat at katawan.

MANIFEST
Oversize
Black

DESIRE
Oversize
Beige

ATTRACT
Oversize
Red

CREATE
Oversize
Cream

FOCUS
Oversize
Mocha

Pre-Order Now!

Gaya ng nabaggit ng Team Cong Clothing sa VMG sa huling koleksyon nito, limitado lang ang ilalabas ng Cong Clothing para sa naturang koleksyon. Kaya naman kung nais mong makasigurong mapapasayo ang mga disenyong ito, aba mag pre-order ka na!

Para sa mga nais bumili, bisitahin lang ang official Facebook page ng Cong Clothing kung saan matatagpuan rin ang  listahan ng mga authorized resellers at distributors malapit sa inyong lugar!

Likes:
0 0
Views:
280
Article Categories:
SALE & PROMOTIONS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *