Cortez Matriarch Reveals How Viy Cortez Fulfilled Her Dream Job

Wala nang mas sasaya pa para sa isang magulang na makitang natutupad ang pangarap ng kanilang anak. Pero walang higit na kasiyahan at pasasalamat ng mga magulang sa tuwing ang kanilang mga anak ang naging daan para matupad ang sarili nilang mga pangarap. 

Ganito ang pakiramdam ng ina ni Viy Cortez na si Mrs. Imelda Tumbaga-Cortez na ngayon ay hindi nalang ilaw ng tahanan ng Pamilya Cortez kundi maging ng buong VIYLine Group of Companies (VGC). 

Sa kanyang nalalapit na kaarawan, ibinahagi ni Mrs. Cortez kung paano tinupad ni Viy ang kanyang mga pangarap at maging ang kanyang birthday wish para sa lahat. 

Dream Come True

Si Mrs. Cortez o kilala rin sa tawag na “Mama Wow” ng mga taga-suporta ng Team Payaman ay isa sa mga tumutulong ngayon sa negosyo ni Viy Cortez. 

Sa eksklusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) kay Mommy Imelda, inamin nitong hindi madali ang kanyang trabaho sa kumpanya lalo’t negosyo ito ng kanyang anak. 

Pero sa kabila ng kaliwa’t-kanang pagsubok sa hanapbuhay ay sobrang saya aniya nyang maglingkod para sa VGC dahil ang kanyang posisyon ngayon ay isang matagal ng pangarap na si Viy mismo ang tumupad. 

“Hindi ko akalain, malayo sa isipan ko na magiging ganito ang position ko at sa business pa ng anak ko,” ani Mrs. Cortez na Pinuno ng Finance Department ng VGC. 

“Hindi namin akalain na ganito ang mangyayari sa business ni Viy at siya yung magbibigay at sasagot sa mga dream ko,” dagdag pa nito. 

Si Mommy Imelda ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) Major in Accounting. 

Hindi nakapasa na maging Certified Public Accountant ang ina ni Viy, marahil dahil sa hindi na updated ang kanyang kaalaman dahil nakapag-exam ito makalipas ang ilang taon at matapos mag-anak at mag-trabaho sa ibang bansa.

Sa kabila nito ay tinuloy niya ang buhay kahit na nakakarinig ng pangungutya mula sa ibang mga dating kaklase. 

“Noon pa man naba-bash na rin ako. Kaya sanay na sanay na ako sa mga basher. Ang masakit pa sakin sa personal nilang sasabihin sa harapan mo.”

Pero aniya, ang katuparan ng kanyang mga pangarap ay patunay lang na buhay ang Diyos at nakikinig ito sa iyong mga dasal. 

“This is just to prove that God is alive. Kasi kung ano man ang gusto mo. Alam na alam nya (ang nasa) puso mo, kung anong gusto mo. But hindi mo basta makukuha yon overnight, kailangan mong pag trabahuan at pagsakripisyuhan.”

Birthday Wish

Bilang pagdiriwang sa kanyang ika-57 na kaarawan, hiling ni Mommy Imelda ang maayos na kalusugan para sa kanyang buong pamilya. Pinagdarasal din nitong mas maging matatag sila sa mga pagsubok at malampasan ang mga ito bilang isang pamilya. 

Para naman sa VIYLine Group of Companies, panalangin ni Mrs. Cortez na mas lumaki pa ang kumpanya at mas marami pang matulungan na nangangailangan.

Balang araw, pangarap din daw niyang magkaroon ng VIYLine foundation o charity para sa mga estudyante at iba pang kapos sa buhay. 


Abangan ang kabuuan ng eksklusibong panayam ng VMG kay Mrs. Cortez sa aming official YouTube channel mamayang alas-7 ng gabi. Subscribe na!

Likes:
0 0
Views:
475
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *