Team Payaman’s All Around Dudut Explores Singapore with Matthaios

Panibagong travel vlog naman ang hatid ng nag-iisang All Around Team Payaman member na si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut. Kasama ni Dudut sa kanyang Singapore adventure ang matalik na kaibigan at music partner nitong si Matthaios. 

Kakaiba ang atake ng naturang vlog dahil isa ito sa unang bansang nilibot ni Dudut at syempre binahagi nya sa kanyang 1.53 million subscribers ang travel journey sa tinaguriang Lion City ng Asya.

Kumusta naman kaya ang unang out-of-the-country trip ni Dudut? Alamin kasama ang VIYLine Media Group (VMG).

Dudut x Matthaios Goes to Singapore

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng vlogger at singer ang kanyang makabuluhang karanasan sa unang paglipad palabas ng bansa. 

Nangunguna sa listahan ni Dudut ang bisitahin ang Merlion Statue na patok na pasyalan ng mga turista. 

At syempre, hindi rin pinalampas ng 27-anyos na vlogger na gawin ang legendary Merlion pose  kung saan ibubuka ang bibig na animo’y sinasalo ang tubig na binubuga ng estatwa.

Bukod sa mga magagandang tanawin, naging makabuluhan rin ang bakasyon ng TP Wild Dog na si Dudut dahil sa mga turistang kanyang nakasalamuha.

Una na dyan ang Pinoy na kapwa nya turista sa Singapore. Matapos magpa-selfie kay Dudut ay nagpalibre pa ito sa naturang Team Payaman fan. Iba ka talaga, Dudut! Paawer!


At syempre, hindi kumpleto ang Singapore trip kung hindi ito sasamahan ng masarap na kainan at kwentuhan sa mga tinaguriang hawkers sa Singapore.

“Napakaraming choices dito [ng pagkain]!” ani Dudut.

Matapos ang masarap na kainan ay bumalik na sina Dudut at ang grupo nito sa kanilang tinutuluyang hotel sa Orchard, Singapore.

Part 2? Let’s go!

Bitin ba mga kapitbahay? Huwag mag-alala dahil bubusugin tayo ng nag-iisang All Around Dudut sa kanyang mga susunod na Singapore vlogs!

Abangan ang kanyang mga Singapore travel vlog na matatagpuan sa kanyang opisyal na Youtube channel.

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
1085
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *