Cong TV Gives Away YouTube Revenue to Neighbor’s House Maid

Kilala si Cong TV bilang isa sa mga pinakasikat at pinakamahusay na content creator sa bansa. Bukod dito, kilala rin ng publiko ang legendary YouTube vlogger dahil sa inspirasyon na nabibigay nito sa kanyang mga manonood. 

Sa kanyang bagong vlog, muling pinatunayan ng 30-anyos na first-time dad ang kanyang busilak na puso sa pagtulong. 

Ito ay matapos i-pangakong ibibigay ang kikitain ng nasabing YouTube video sa isang kasambahay na umantig ng kanyang puso. 

Home service to public service

Nagsimula ang vlog ni Cong TV sa biro na bubuksan na ng Team Payaman sa publiko ang pintuan ng kanilang tahanan na mas kilala sa tawag na Payamansion. 

Kabilang aniya sa mga serbisyong maaaring bayaran ng publiko ay ang “Wedding Proposal Service” at “House Tour Service.” 

Pero dahil sa paghahanap ng kalokohan na maisasama sa kanyang vlog ay nakilala ni Cong TV si Nanay Thess, isang kasambahay ng kanilang kapitbahay. 

Aksidente lang na nakasalubong ni Cong ang kasambahay at binigyan ito ng limang libong piso para mahingan ng nakakaantig na kwento. 

Pero ang kanyang trip na kalokohan ay nauwi sa madamdaming pagka-diskubre nito sa kwento ng buhay ni Nanay Thess. 


Kwento ng kasambahay, matagal na siyang namamasukan bilang katulong para matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Mayroon pa aniya syang pinag-aaral na mga anak at malaking tulong ang ibinigay na halaga ni Cong TV sa pag-aaral ng mga anak sa probinsya. 

Dasal ni Nanay Thess na naway mag-aral ng mabuti at makatapos ang kanyang mga anak nang sa gayon ay makapag pahinga na sya sa pagtatrabaho.

Hindi inakala ni Cong TV na ang trip na paghahanap ng maisasamang content ay mauuwi sa nakakaantig na kwento ng buhay. 

YouTube Revenue

Kung madalas maantig ang puso nating mga manonood sa vlogs ni Cong TV, tila si Bossing naman ang naantig ang puso sa pagkakataong ito. 

“Ang mga kwentong ito ang nagsisilbing ilaw sa araw-araw nating buhay,” ani Cong.

Dahil dito, naisipan ng longtime boyfriend ni Viy Cortez na tulungan muli si Nanay Thess sa paraang alam nyang makakatulong rin ang kanyang mga manonood. 

“Isa siyang (Nanay Thess) magandang ehemplo sa maraming mga nanay, mga magulang na nagsusumikap at nagpapakita na sa hirap ng buhay ay kailangan itong labanan, at meron siyang katatagang ipinapakita sa kanyang buhay. Ang galing mo, Nanay Thess!” paliwanag ni Cong TV. 

“Dahil dyan lahat ng kikitain ng video na ito ay mapupunta kay sa’yo, Nanay Thess. Para matulungan makapagtapos ang iyong mga anak,” dagdag pa nito. 

Hindi ito ang unang pagkakataon na ibinahagi ni Cong TV sa ibang tao ang kikitain ng kanyang YouTube video. Minsan na rin nyang ibinigay sa mga kasama sa bahay na sila Mamita at Kuya Inday ang kita ng kanyang vlog. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

2 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

3 days ago

Netizens Applaud Pat Velasquez-Gaspar After Sharing First Hosting Experience

Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…

3 days ago

Viyline Media Group Partners with Opulent Beauty for Team Payaman Fair 2025 in Cebu

Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Heartwarming Bonding Moment With Daughter Tokyo Athena

Naghatid ng ngiti sa mga tagapanood ang munting sandaling ibinahagi ng Team Payaman mom na…

4 days ago

Yow Andrada Reflects on Passion, Creativity, and Finding One’s Self

Sa pinakabagong vlog ni Yow Andrada, ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan at mga reyalisasyon…

4 days ago

This website uses cookies.