Tita Krissy Joins Baninay, Michelle Dee on a Wild North Adventure

Hindi natatapos ang adventure ng Team Payaman dahil hatid naman ngayon ng ni Chino Liu, a.k.a Tita Krissy ang isang wild adventure kasama ang ilan sa mga VIYLine Cosmetics Ambassadress. 

Bida sa bagong vlog ng impersonator-turned-vlogger ang Aqua Cream by VIYLine Cosmetics models na sina Michelle Dy at Baninay Bautista. Kasama rin sa kanilang adventure ang ilang TikTok stars gaya nina Sassa Girl, Christian Antolin, at Letisha Velasco. 

Ano kaya ang naganap sa nakakalokang Biyaheng Ilocos Norte ng bagong squad ni Tita Krissy?

Buwan ng Wika

Sa nasabing vlog, ibinahagi ng 26-anyos vlogger ang kanyang byahe sa makasaysayang bayan ng Ilocos Norte.

Upang bigyang pugay ang paggunita sa sariling wika, nakiisa ang barkada ni Tita Krissy Achino sa pagsuot ng mga makasaysayang kasuotan upang gayahin ang Recuerdo o memorya sa wikang Filipino.

Hindi nagpatalo ang Kris Aquino impersonator sa kanyang Filipiniana outfit na siya ring sinabayan ng kanyang mga kasama na kapwa content creators. 

Matapos magsukat, napagtanto ni Tita Krissy ang hirap ng paggamit ng mga kasuotan noong unang panahon. 

“Ganito pala kainit ang suot ng mga kababaihan noon kaya dapat nating respetuhin ang mga panwelo,” ani Chino Liu.

Ilocos Norte: I’m In!

Matapos ang picture taking sa makasaysayang Balay Batac, nagtungo naman ang grupo sa “Most Iconic Church” sa Paoay, Ilocos Norte, ang Paoay Church.

Bilang isang residente ng Ilocos, pinangunahan ng beauty vlogger at VIYLine Cosmetics Aqua Cream ambassadress na si Michelle Dy ang pagiging tour guide sa tropa. 

Hindi rin pinalampas ni Tita Krissy ang masubukang baybayin ang Paoay Suba Sand Dunes gamit ang 4 x 4 trail,  na siyang binabalik balikan ng mga turista sa nasabing pook.

Buwis buhay ang naging Paoay Suba Sand Dunes experience ng grupo na sinabayan pa ng ATV Adventure.

Hindi kumpleto ang saya kung hindi matitikman ng grupo ang masasarap na putahe na ipinagmamalaki ng Ilocos Norte. Hindi nagpatumpik tumpik ang barkada na subukan ang mga lutong galing sa kilalang Malacañang of the North (MON).

Ang tinaguriang Malacañang of the North ay opisyal na tahanan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ito ay pinaganda at ginawang pook-pasyalan at kainan na patok na patok sa mga turista. 

Matapos ang makabuluhang hapunan, binaybay naman ng grupo ni Tita Krissy ang Paoay Lake upang magtampisaw. 

Matapos nito, nagtungo naman sila sa kilalang Burgos Windmill Farm na kung saan itinayo ang malalaking Windmill na siyang pinagmamalaki ng mga taga-Ilocos

“Mapangahas, buwis buhay, mapusok!” Ilan lamang ito sa mga salitang ginamit nina Tita Krissy upang ilarawan ang kanilang sumunod na destinasyon.

At syempre, bago umuwi ay hindi pinalampas ng grupo na personal na masubukang gumawa ng kilalang Vigan o Ilocos Empanada na siyang tanyag tuwing ginugunita ang Empanada Festival tuwing Hunyo.

Watch the full vlog below: ​

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

2 days ago

Stay Fresh this ‘Ber Months’ with SNAKE Brand by Viyline

It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…

2 days ago

Boss Keng Receives Heartwarming Greetings on His 33rd Birthday

Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…

4 days ago

Yiv Cortez Expands Business with the Launch of ‘Charms by Yiva’ Bracelet Line

From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…

4 days ago

Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…

4 days ago

Top 3 Viyline Cosmetics Products You Need This ‘Ber’ Season

Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…

4 days ago

This website uses cookies.