EXCLUSIVE: Cong TV, Viy Cortez, and Team Payaman Marks ‘Congpound’ Groundbreaking

Pormal ng sinimulan ang pagbuo sa dream house at bagong tahanan ng Team Payaman sa pamamagitan ng isang ground breaking ceremony. 

Ang naturang okasyon ay pinangunahan ni Team Payaman power couple Cong TV at Viy Cortez. Present din ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, at maging sina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar.

Eksklusibong natunghayan ng VIYLine Media Group (VMG) ang groundbreaking ceremony ng inaabangang bagong tahanan na tinaguriang “Congpound.”

The Making of Congpound

Maisasakatuparan ang dreamhouse nina Cong at Viy sa tulong ng Tier One Architects at pamumuno nina Engr. James Castillo (Project Head), Engr. Jericho Budino (Project Manager), CC Lumor, at Wiljen Mayuga-Lumor.

Ayon kina Engr. Castillo at Engr. Budino, hindi naging mahirap ang kanilang partnership kasama ang Team Payaman power couples dahil sa pagiging hands on ng mga ito.

“Grabe! Napaka-hands on nila! Lalo na si Ma’am Viy, wala akong masabi. Very very professional,” kwento ni Engr. Castillo sa eksklusibong panayam ng VMG. 

Nabanggit rin ng ilan sa Tier One Architects na hindi gaanong tumagal ang planning stage dahil sa open communication nila ng CongTViy couple.

“Actually, matagal yung planning talagang pinili din namin maging maganda [yung kakalabasan]. Madaming options pinili sila Ma’am [Viy] pero it boils down to one lang so napaka-special nung napili nila [na design],” dagdag pa ni Engr. Castillo. 

Groundbreaking Ceremony

Sinimulan ng Team Payaman ang unang araw ng Setyembre sa isang makabuluhang groundbreaking na hudyat ng pagsisimula ng construction sa kanilang soon-to-be new home.

Hindi lang ang TP Power Couples ang present dahil kasama rin ang unico hijo nina Cong at Viy na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Dumalo rin sa nasabing seremonya ang ilan sa matalik na kaibigan at miyembro ng Team Payaman at ang ever-supportive Velasquez parents na sina Marlon Velasquez Jr. (Papa Shoutout) at  Jo Velasquez (Mama Revlon).

Sa isang Facebook post, ibinahagi naman ng VIYLine CEO ang kanyang excitement sa panibagong milestone sa buhay nila ng kanyang 30-anyos longtime boyfriend. 

“Dati sabi ko sa sarili ko, bago ako magkaroon ng sariling bahay dapat mabigyan ko muna ang mga magulang ko. After 2 yrs na nagawa ko yun binigyan ako ng Panginoon ng sobrang gandang bahay sobra sobra pa sa pinangarap ko,” ani Viviys. 

“Totoo nga na pag di mo kakalimutan ang mga magulang mo sobra sobra ang balik sayo. Congrats satin mahal [Cong TV], magkakaroon na tayo ng sariling bahay. Tara love, Cong TV tuparin pa natin ang mga pangarap natin ng magkasama!” dagdag pa nito.

Plans After A Year

Samantala, ibinahagi ni Viy Cortez sa VMG na sa loob lang ng isang taon ay handa nang lipatan ang kanilang bagong tahanan. 

Hindi naman pinalampas ng aming team na alamin kung ano ba ang mga plano ng TP members na gawin sa oras na makalipat sila sa Congpound. 

“Siguro, pag nabuo na yung bahay, magpapa-party [kami] sa family namin, sila Mama, Papa, yung family ni Cong. Siguro ice-celebrate namin yung isa sa napakagandang pangyayari sa buhay namin ni Cong,” ani Viviys. 

Ganito rin ang plano ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar. 

“Ang pinakagusto talaga namin is ma-gather yung mga family namin sa bahay talaga namin. Tapos party-party kami, ice-celebrate namin. Kahit hindi pa pasko, gagawin naming pasko,” kwento ng Wagyuniku by Pat and Keng owners. 

Kilig-to-the-bones naman ang naging sagot ni Venice Velasquez sa kanyang plano kasama ang boyfriend nitong si Yow Andrada

“Bukod sa magchi-chill, siguro magja-jamming kami sa [bagong] bahay. Magse-set up kami ng parang acoustic studio na makakagawa kami ng music.”

Talaga namang kaabang-abang ang bagong tahanan ng Team Payaman! Tumutok lang sa VIYLine Media Group para sa mga eksklusibong update sa Congpound 2023.

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

39 minutes ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.