Boss Keng Take Viewers on La Union Adventure with Team Payaman

Boss Keng is back at it again with another buwis-buhay travel vlog at ngayon byaheng La Union ang nag-iisang Boss Madam ng Team Payaman!

Hatid ngayon ng Wagyuniku by Pat and Keng CEO ang virtual adventure sa naganap na 3-day trip ng Team Payaman sa Garden Coast ng bansa.

Kumusta naman kaya ang byahe ng buong tropa? Tara at sabay-sabay tayong makipasyal sa La Union escapade ni Boss Keng!

La Union, Beybe!

Matapos ang ilang buwang pagpa-plano ay natuloy din ang drawing, este ang long weekend adventure ng Team Payaman.

Hindi lang sina Boss Keng at ang asawa nitong si Pat Velasquez-Gaspar bumyahe pa-norte, dahil kasama rin sina ang Junnie Boy, Vien Iligan-Velasquez,  Mavi, Clouie Dims, Tita Krissy, Kevin Hufana, Tin Piamonte, Kha Kha Villes, Mentos, Bods, at iba pa!

Pagdating sa kanilang destinasyon, nagpahinga muna ang buong tropa matapos ang ilang oras na byahe. 

Matapos mag-recharge, sinimulan ng TP Wild Cats at Dogs ang unang gabi sa La Union sa isang masayang night out bilang selebrasyon na rin sa kaarawan ng OG VIYLine girl na si Kha Kha.

Hindi kumpleto ang La Union trip kung walang by-the-bay adventure kung kaya naman kinabukasan ay nagtungo ang tropa sa mga makapigil-hiningang tanawin ng Elyu.

Forda road trip naman ang sumunod na agenda ng TP Wild Dogs na sinabayan ng malalim na usapan at mga reyalisasyon sa buhay ng Wagyuniku Manager na si JP. 

“Thank you, Boss [Keng] naransan ko na [yung mag-bakasyon]. Sa totoo lang, ngayon ko lang naranasan yung pumunta sa mga ganitong lugar. Ang sarap sa pakiramdam na yung boss mo, siya pa yung nagdala ‘don sa’yo,” ani JP.

Hindi rin pinalampas nina Boss Keng and friends ang pagligo sa mala crystal blue waterfalls ng La Union.

Sa kanila namang huling araw, sinulit ng Team Payaman ang kanilang long weekend adventure sa pagsasagawa ng mga water activities at photoshoot sa tabi ng dalampasigan ng Elyu.

Watch the full adventure below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

20 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

27 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.