Hindi nagpahuli si Team Payaman member Yow Andrada na ipasilip sa netizens ang kanyang back-to-back “ganaps” kamakailan lang.
Ang mga ganap na ito ang dahilan kung bakit tila “missing in action” ang tinaguriang “content material” sa Payamansion.
Sa kanyang latest vlog, pinakita ni Yow ang mga pinagkakaabalahang ganap sa buhay bilang isang bandista at artista.
Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang mga kaganapan sa buhay ni Waldo bukod sa “mag-apply ng work ihh!”
Certified “Raketero” ang peg ni Yow Andrada dahil sa kanyang sunod-sunod na gigs, taping, at photoshoot bilang ganap na artista at bokalista ng banda.
Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng 31-anyos content creator ang ilan sa mga pinagkakaabalahan nitong mga nakaraang mga buwan.
Unang-una sa listahan ni Waldo ay ang gig ng bandang Yno sa “Clark Aurora Fest” at ang pagtugtog sa “Jaiga The Dream Concert.”
Matapos ang kanilang successful performance, ibinahagi rin ni Yow ang naganap na photoshoot para sa kinabibilangang sitcom na Quizon CT na mapapanood sa Net 25.
Sa nasabing photoshoot, kitang-kita na nakabuo na si Yow ng solid na pagkakaibigan sa mga cast at crew ng nasabing palabas.
Bilang ganap na artista, kasama rin sa pinagkakaabalahan ni Yow ang shooting o taping ng bagong kinabibilangang palabas na “Anong Meron kay Abok.” Kasama niya rito ang beteranong komedyante at aktor na si Empoy.
“Feeling ko, kaunti nalang… Makukuha na akong artista. Pero promise, isa yan sa mga goal ko na makita n’yo” — Yow Andrada, 2022.
Bitin sa chikahan? ‘Wag kalimutan i-follow si Yow sa kanyang official Instagram account na may username na @yowandrada, para lagi kayong updated sa latest “ganap” ni Waldo.
Para sa iba pang eksklusibong chikahan tungkol sa VIYLine at buong Team Payaman, i-follow lang ang official Facebook, Instagram, Twitter, TikTok at YouTube ng VIYLine Media Group.
Watch the full vlog below:
Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin…
Bago sumapit ang Disyembre, nakasanayan na ng maraming pamilya ang maglinis, mag-ayos, at maghanda ng…
Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…
Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…
Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…
Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…
This website uses cookies.