Bukod sa tagumpay na pagsisimula ng kanyang role bilang ina, labis ang naging pasasalamat ng renowned YouTube vlogger na si Viy Cortez sa mga biyayang kanyang natatanggap.
Kamakailan lang ay ibinahagi ng VIYLine CEO ang mga bagong investment at negosyo na kanyang pinasok sa tulong at gabay ng kanyang pamilya at mga taga-suporta.
Sa kanyang huling vlog, ibinahagi ng 26-anyos first-time mom ang kanyang latest achievement na pagbili ng service van para sa VIYLine Group of Companies.
Naging emosyonal si Mommy Viy ng makita ang mga dating kasama sa trabaho noong siya’y nag-aahente pa ng mga sasakyan.
“Sobrang natuwa ako kasi ang nag-deliver sa’kin nyan eh yung mga ka-trabaho ko dati. Sobrang nanumbalik lang yung pakiramdam noon. After 6 years nagkita kami uli. Namiss ko yung trabaho ko dati,” ani Viviys.
Dagdag pa nito: “Dati ako yung nagre-release ng mga van sa Nissan, Suzuki. Ngayon imagine-in nyo, nagkakaroon na ako ng sarili ko [na kotse]. So hindi ko yun inexpect. Naalala ko dati nagku-kwentuhan kami ni Cong, ‘Paano ba tayo magkakaroon ng sasakyan?’”
In the same vlog, ibinahagi rin nina Cong TV at Viy Cortez ang kanilang pinakabagong investment property.
Bukod sa pagiging unang investment nila ito bilang mag-nobyo, espesyal rin ang kanilang napiling lote dahil ayon sa kapatid ni Cong na si Pat Velasquez-Gaspar, ang naturang lugar ay eksaktong kinatatayuan ni Cong TV sa kanyang “Skate Pogi” vlog.
“Grabe, so yung mga bagay na hindi niyo inakala, pwede talaga maging posible,” pagtatanto ni Viviys.
“Madaming bagay sa buhay nyo na co-incidence lang na isang araw magugulat ka nalang. Masaya ako na nakuha namin yung property. Hindi namin inexpect na balang araw [makukuha namin siya].” dagdag pa nito.
Agad namang inulan ng papuri ang YouTube power couple sa nasabing vlog dahil sa kanilang determinasyon at pagiging mapagpakumbaba sa mga natatanggap na biyaya.
Ma. Cristina Seclot: “Ang galing ng pagpapala ni Lord sa inyo Ms. Viy. New fan nyo lang po ako ni Cong kaya nagsisimula pa lang ako manood ng vlog nyo kanina mapanood ko yung 4yrs ago na bakasyon nyo sa Cagayan takot Kang tumawid sa mataas na tulay pero sabi ni Cong wag ka matakot andito lang ako isang pagsubok lang yan para maging successful ka wag ka tumigil Hanggang sa maabot mo Ang pangarap mo. please continue to inspire people. Thank you Lord God for all the instruments that you made.”
Alex Buenaventura: “Sobrang inspiring talaga kayo Ate Viy, naniniwala ako someday makakamit ko den pangarap ko sa pamilya ko”
Grace Rimando: “Kakaiba talaga kayo Ma’am Viy and Sir Cong! You both deserved the things that you have now. Keep inspiring and motivating us. Keep safe always po mga idolo ❤️❤️ The Lord is great. Pawer!”
“Napaka-imposible dati. Magiging imposible siya kapag inaasa mo lang siya sa sarili mo. Pero kapag naniwala ka kay Lord, and sinamahan mo ng sipag, walang imposible pala” —Viy Cortez, 2022.
Watch the vlog below:
Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
This website uses cookies.