Team Payaman’s Mavi Velasquez Shares First ‘Linggo ng Wika’ School Experience

Dahil back to school na ang youngest Team Payaman vlogger na si Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi, excited itong nakilahok sa programa ng Linggo ng Wika sa kanilang eskwelahan.

Ano naman kaya ang naging paghahanda at mga kaganapan sa nasabing programa ng Linggo ng Wika?

Hatid na ng VIYLine Media Group (VMG) ang chika sa once-a-year na programang nilahukan ng tinaguriang “Itlog” ng Payamansion.

Supportive Mama and Dada

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Mommy Vien Iligan-Velasquez ang naging paghahanda nilang mag-ina sa nasabing programa.

“So syempre dahil Linggo ng Wika, kailangan naka-costume sya ng pang-Filipino costume. So binilhan namin sya ng mga pang-Katipunerong costume,” kwento ng soon-to-be mom-of-two.

Bago umalis patungo sa nasabing programa, pinadaan muna ni Mommy Vien si Mavi sa isang pagsasanay para matuto ito ng Wikang Filipino.

“Say ‘Magandang Araw sa inyong lahat!’” pagtuturo ni Vien.

 “Tawagin na natin… Ang katipunero!” pagpapakilala ni Mommy Vien sa kanyang unico hijo. 

Animoy engrande ang pasok ni Mavi suot ang kanyang Katipunero costume para sa programa na kanyang dadaluhan sa kanilang paaralan.

“Wow!” ito nalang ang naging reaksyon ng kanyang Tito Cocon sa kanyang cute na cute Linggo ng Wika outfit.

Mahiyain man sa una kung mapapansin, hindi nagtagal ay all-smiles na ang  soon-to-be Kuya Mavi sa harap ng kanyang mga kaklase at guro.

Watch the vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
1414
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *