Byaheng Europa ang isa sa mga mukha ng pinagkakaguluhan na Aqua Cream by VIYLine Cosmetics na si Baninay Bautista.
Bago makarating sa kanilang destinasyon ay nag-stop over muna sa Singapore si Baninay sa loob ng anim na oras. Kasama ng batikang YouTube vlogger ang kanyang longtime boyfriend na si Bont Bryan Oropel at iba pang mga kaibigan sa kanyang quick adventure sa “Lion City.”
Hindi ito ang tipikal na travel journey dahil kasama ng VIYLine Cosmetics Ambassadress ang ilan sa mga kapwa vlogger na sina Agassi Ching, Jai Asuncion, Albert Nicolas, at Matt Nicolai.
Base sa kanyang latest vlog, bago lumipad patungong Europa ay nilibot muna ng barkada ang ilan sa mga kilalang atraksyon sa Singapore sa kanilang libreng oras bago ang kanilang connecting flight.
Hindi pinalampas ng magkakaibigan na bisitahin ang tinaguriang “Best Airport” na Singapore Changi Airport na kilala dahil sa indoor rain vortex.
“Touchdown, Merlion! Katapat siya ng Marina Bay Sands,” nag-ala tourist guide ang ferson na si Baninay sa kanyang excitement na libutin ang Singapore.
At syempre, hindi kumpleto ang Singapore experience kung walang legendary “nganga” posing sa Merlion statue sa Merlion Park.
Matapos ang ilang oras ay humiwalay na sina Baninay at Bont para sa kanilang connecting flight papunta naman sa Doha, Qatar.
Kikay girl scout ang peg ng 26-anyos na vlogger matapos ibahagi ang kanyang mga travel essentials.
From passport, booking receipts, skincare, at makeup products, kumpleto ang baon ni Babinay na talaga namang #travelgoals.
At syempre, pang-international level na ang awrahan kung kaya’t hindi mawawala sa “Baninay Staple” ang nag-iisang 3-in-1 Aqua Cream by VIYLine Cosmetics in Baninay shade.
Kayo mga kapitbahay, ano ang inyong travel bag must haves?
Watch the vlog below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.