Angelica Yap to her Rhinoplasty Bashers: ‘I don’t think meron kayong pake!’

Matapos yanigin ang social media dahil sa kanyang bagong transpormasyon, umalma si YouTube vlogger Angelica Jane Yap sa mga bashers na bumabatikos sa pagsailalim nya sa rhinoplasty surgery. 

Sa kanyang latest vlog, pinasilip din ng Angel by VIYLine Cosmetics ambassadress ang kanyang bagong look mahigit dalawang linggo matapos ang operasyon. 

Alamin kung ano nga kaya ang say ni Angelica Yap, a.k.a “Pastillas Girl” sa mga netizens na kume-kwestyon sa kanyang naging desisyon. 

2-weeks post-operation

Proud na ipinakita ni Angelica Jane Yap sa kanyang 4.32 million YouTube subscribers ang bagong look dulot ng pinagdaanang rhinoplasty surgery. 

Ayon sa 28-anyos social media influencer, halos dalawang linggo na ang nakaraan ng siya ay ma-operahan at tuloy-tuloy naman aniya ang paghilom ng kanyang ilong. 

Bagamat hindi pa rin gaanong makapagsalita ng maayos ang dalaga ay masayang ibinahagi nito na maganda ang resulta ng kanyang pagpapagaling sa tulong na rin ng longtime boyfriend na si Archie, a.k.a Flow G. 

Angelica shuts down bashers

Samantala, hindi naman pinalampas ng VIYLine Cosmetics ambassadress ang pagkakataon para sagutin ang mga basher na ginagawan ng issue ang kanyang rhinoplasty journey. 

“Sa mga nagsasabi ng negative na why do I still need the rhinoplasty, balikan nyo yung last vlog ko para malaman nyo kung ano talaga yung reason bakit ako nag undergo ng surgery.”

Matatandaang sa nasabing vlog, pinaliwanag ni Angelica na kinakailangan niyang magpa-rhinoplasty at septoplasty surgery dahil sa kondisyon ng kanyang paghinga. 

Paliwanag ng dalaga, matagal ng barado ang isang butas ng kanyang ilong, dahilan para mahirapan itong huminga. 

Pero kahit aniya mag desisyon syang ipagawa ang ilong para sa ikagaganda ng kanyang mukha ay sinabing labas na ang mga bashers dito. 

“And kahit hindi ko kailangan magpa-septoplasty, kahit rhinoplasty lang, for example wala akong problem with my breathing, tapos I just wanna go and change my nose, I don’t think meron kayong pake,” mariing sabi ni Angelica. 

“As I’ve said, this is my life and this is my body and ako lang may karapatan at may desisyon kung anong gusto kong gawin sa katawan ko,” dagdag pa nito.

Sa huli, hinikayat ni Angelica Yap ang kanyang mga followers na huwag magpadala sa sasabihin ng iba. Aniya, ituloy lang ang anumang naisin sa buhay hanggat walang tinatapakan na ibang tao. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.