Kamakailan lang ay naging biktima ng hacking ng YouTube channel ang Team Payaman member na si Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng.
Bumaba man ang bilang ng subscribers ni Boss Keng, hindi pa rin ito nagpatinag sa pagbabahagi ng kanyang bagong lutong travel vlog.
Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang out of town experience nina Boss Keng at ilan sa mga miyembro ng Team Payaman.
“Nagvo-vlog ka, wala ka namang channel!” panimulang biro ng mga kaibigan ni Boss Keng.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na bago mai-upload ang kanyang latest travel vlog ay na-hack ang YouTube channel ni Boss Keng. Pero hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ni Boss Keng ang kanyang passion sa paggawa ng videos.
‘A break from the city’ ang peg ng Team Boss Keng sa kanilang out of town dahil sa probinsya vibes hatid ng Camp Paraiso sa Bongabon, Nueva Ecija.
Bukod sa magagandang tanawin, hindi pinalampas ng grupo sa pagtikim ng iba’t-ibang putahe na sinamahan pa ng kwelang kwentuhan at inuman.
Sinimulan ng grupo ang kanilang araw kasama ang mainit na kape, masarap na almusal, at masayang kwentuhan.
Matapos kumain ay dali-daling nagtungo sina Boss Keng sa kanilang unang destinasyon, ang magtampisaw sa ilog.
“This is where the adventure begins!” ani Boss Keng.
Tampisaw overload ang ginawa ng Team Payaman sa kanilang first stop. Tinapos ng barkada ang kanilang memorable stay sa masayang kulitan at kwentuhan.
Watch the vlog below:
Payday doesn’t only mean you’re getting paid for your hard work, but also spoiling yourself…
Hindi lang sa pagpapatawa mahusay ang kwelang miyembro ng Team Payaman na si Dudut Lang,…
The intense heat and rain brought by worsening climate change is why our skin needs…
Inspirasyon ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada sa kanyang vlog sa…
Team Payaman fans have something new to look forward to as Cong Clothing drops the…
Isang much-needed vacation ang hatid ngayon ng Team Payaman girls matapos nilang lumipad pa-Vietnam. Tunghayan…
This website uses cookies.