Maya Grant Netizens Call to Release Cameo of Team Payaman’s Kuya Inday

Matapos ang kampanya ni legendary YouTube content creator Cong TV para sa #ReleaseTheIndayCut, hindi pinalampas ng Team Payaman supporters na gawing posible ang first TV ad campaign ni Kuya Inday.

Sa tulong ng Maya Philippines, natupad na ang pangarap ng Payamansion caretaker na maging isang commercial model sa tulong din ng bossing nitong si Cong TV.

Ano kaya ang naging reaksyon ni Kuya Inday sa surpresa ng Maya Philippines?

#TheIndayCut

Bago pa man ilabas ang unang parte ng commercial advertisement ay nanawagan na si Cong TV na mabigyan ng pagkakataon si Kuya Inday na humarap sa camera.

Sa isang YouTube vlog, ibinahagi ng 30-anyos vlogger ang ilang behind-the-scenes ng nasabing commercial shoot na siya ring naging daan upang ipakilala si Kuya Inday sa producers ng nasabing brand.

“Wala kang P30,000 pero may ibang milagro akong ibibigay sa’yo” ani Cong TV.

Matapos ang ilang panawagan na ilabas ang bersyon ni Kuya Inday, pinagbigyan ang hiling ng taumbayan na maisali ang cameo ng caretaker-turned-Team Payaman member sa commercial ng Maya Philippines.

#IndayCutReleased

But wait, there’s more! Hatid rin ng Maya Philippines ang munting pasabog para sa mga bagong users na tumatangkilik sa bagong commercial ni Kuya Inday. 

Ang mga bagong user na magda-download at gagawa ng kanilang Maya account gamit ang kanilang mga smartphones ay makakatanggap ng PHP100 welcome reward gift matapos ang iyong successful upgrade at pag-cash in ng PHP100 gamit ang special code na “THEINDAYCUT”

Hindi ka lang nagkapera, nakatulong ka pa dahil parte ng kikitain ng affiliate code ay mapupunta kay Kuya Inday!

Ano pang hinihintay n’yo? Mag-download na ng Maya at gamitin ang THEINDAYCUT code!

Watch the full vlog below:
 

Yenny Certeza

Recent Posts

The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…

9 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez’s Summer Essentials: Stay Cool with SNAKE Brand by Viyline

Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…

2 hours ago

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

5 days ago

Boss Keng’s Game Show Gets Real as Junnie Boy Fights for His Comeback

Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…

6 days ago

This website uses cookies.