Mavi Shares A Glimpse of Team Payaman Enchanted Kingdom Adventure

Back to vlogging na si Mavi, ang unico hijo nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez matapos maging busy sa kanyang kinder school.

Kamakailan lang ay namasyal ang ilan sa Team Payaman members sa Enchanted Kingdom sa Laguna upang mag-enjoy at sumubok ng iba’t-ibang rides. 

Hatid ng Team Payaman kiddie vlogger ang mga behind-the-scenes sa one-day adventure ng buong tropa.

TP Goes to Enchanted Kingdom

Sa kanyang latest YouTube vlog, ibinahagi ng 3-anyos content creator ang adventure kasama ang mga magulang at mga tito at tita sa Payamansion. 

Pagdating na pagdating ay kaliwa’t kanan na ang picture taking at pagsakay ng grupo sa mga rides sa nasabing pasyalan.

Unang ride pa lang ay tuwang-tuwa na ang soon-to-be kuya ni Baby Viela na excited ding sumubok ng iba’t-ibang rides.

“Solid!” ani Mavi.

Hindi rin pinalampas ng mag-amang Junnie Boy at Mavi na subukan ang mga rides gaya ng Dinosaurus, Grand Carousel, at Roller Skater.

Matapos ang mga buwis-buhay rides, hindi nawala sa to do list ng Team Payaman pagsaluhan ang mga chibog gaya ng pizza, chicken, at pasta hatid ng Shakey’s Philippines.

Matapos ang masayang salo-salo, official meet up with Eldar the Wizard naman ang next target ng Team Payaman sa kanilang pagpunta sa Enchanted Kingdom.

Pero imbis na excitement, kaba ang naramdaman ng pinakabatang TP vlogger dahil sa takot nito sa mascots.

“Maaaaa! Noooo!” sigaw ni Mavi.

Tinapos ng Team Payaman ang kanilang EK adventure sa pagnood ng fireworks display na kinatuwa nina TP Kids Jasmine, Rassec, at Mavi.

Talaga namang very memorable ang naging EK adventure ni Mavi kasama ang Team Payaman, dahil ito ang unang pagkakataon na makapunta siya ng amusement park matapos ang higit dalawang taong home quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Watch the full adventure here:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.