Masayang ibinahagi ni Team Payaman member Peachy Santos na ipinakilala niya ang kanyang bagong nobyo sa yumaong boyfriend na si Emman Nimedez. Naisip ni Peachy na dalawin si Emman sa 2nd death anniversary nito kasama ang bagong kasintahan.
Dalawang taon na ang lumipas nang mawalay si Emman kay Peachy. Matatandaan na isa ito sa tinaguriang “couple goals” ng Team Payaman.
Bagamat may bago ng nagpapasaya sa puso ni Peachy, hindi niya nakalimutang tuparin ang pangako kay Emman.
“Dati kasi may pangako ako kay Emman, na kung sino yung magiging boyfriend ko, ipapakilala ko sa kanya. Bilang respect din and at the same time, sa boyfriend ko which is si Joaqui,” ani Peachy sa kanyang latest vlog.
Kasama ang boyfriend na si Joaqui Matos, naghanda at nagluto ang dalawa ng mga paboritong pagkain ni Emman gaya ng hotdog, siomai, at siopao. At syempre, hindi mawawala ang bulaklak na personal pang pinili ni Peachy.
“Joaqui meet Emman, Emman meet Joaqui,” bungad ni Peachy sa puntod ni Emman. Kasabay nito ay hinanda na ng dalawa ang pagkain na pinagsaluhan nila habang binubuhay ang mga alaala ni Emman.
Kwento ni Peachy, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari dahil dati lang naman siyang fangirl ng Team Payaman. Naging malaking parte aniya si Emman ng kanyang buhay at tinulungan siya nito sa larangan ng vlogging.
“Hindi magiging Peachy Twice kung wala siya,” ani Peachy.
Samantala, hindi rin naiwasan ng dalaga na maging emosyonal habang kinukwento ang mga pinagdaanan niya noong nawala si Emman. Kabilang na rito ang mga akusasyon ng mga bashers laban sa kanya.
“Ang dami nilang sinasabi na kesyo parang wala lang sakin lahat. But you know guys, may mga silent battles tayo na sarili lang natin ang makakaresolve.”
Bago tuluyang magpaalam ay nag-iwan ang dalawa ng mensahe kay Emman dahilan para maging emosyonal ang magkasintahan.
“Alam kong binulungan mo si Lord na ‘wag akong maging malungkot at mapag-isa.”
Pinangako naman ni Joaqui na aalagaan niya at mamahalin si Peachy tulad ng ginawa ni Emman.
Watch the full vlog below:
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
This website uses cookies.