Ginulat ni Angelica Jane Yap ang kaniyang milyun-milyong followers sa social media sa kaniyang
comeback vlog sa YouTube.
Sinorpresa ni Angel by VIYLine Cosmetics Ambassadress ang lahat sa kanyang major glow up kamakailan lamang.
Hatid na ng VIYLine Media Group (VMG) ang chikahan sa likod ng rhinoplasty journey ng nag-iisang “Pastillas Girl” ng social media.
Matapos ang higit isang buwang pagpapahinga sa YouTube ay balik vlogging na ang anghel na bumaba sa kaharian ng VIYLine.
Sa kaniyang latest vlog, ibinunyag ng 28-anyos na vlogger pinagdaanang facial enhancement surgery.
Puspusan ang naging paghahanda ni Angel para sa kaniyang physical at emotional health bago sumailalim sa operasyon. Pero paliwanag ng dalaga, hindi niya ito ginawa para lang magpatangos ng ilong.
“For the longest time, barado yung isang butas ng ilong ko. Yung isa, hindi na almost makakuha ng air,” paliwanag ni Angel.
“Talaga! Hindi lang sya [yung surgery] arte. Parang more on bonus na lang yung looks. More on gusto ko talaga umayos yung paghinga ko,” dagdag pa nito.
Matapos ang matagumpay na surgery, piniling magpahinga at magpagaling ni Angel sa tulong ng kanyang longtime boyfriend na si Flow G.
Ilang linngo matapos ang healing period ng operasyon ay agad ding ipinakita ng VIYLine Ambassadress ang resulta ng kanyang major glow up attempt.
“Doc, parang ako ‘to! Akala ko sobrang taas [tangos], hindi pala. Kinabahan ako” ani Angel ng makita ang fully-healed na niyang ilong.
Dumagsa naman ang mga positibong komento hindi lang sa katapangan ni Angelica Yap, kundi pati na rin sa pagiging #BoyfriendGoals ng nobyo nitong si Archie, a.k.a Flow G matapos nitong alagaan ang vlogger sa gitna ng kanyang pagpapagaling.
Maddy Perez: “The way how archie takes care of u. I really can say that he loves u with all his heart. flow g sha sa mundo, archie dela cruz sha sayo. ngayon alam ko na kung bakit mahal na mahal mo sya, kasi mas mahal na mahal ka nya. masaya akong natagpuan mo na ang pang habang buhay mo. proposal na lamang ang kulang, magcecelebrate na ang buong mundo !!!!”
Lykaaaaaaaaaa: “Grabeee!! congrats miii, lalo kang gumanda🥺♥️”
Norjannah Wahab: “Always proud of how brave ate angel is♥♥”
Mayda Basmala: “Such a brave lady!!❤️❤️”
Chemay Dela Cruz: “Nakakatuwa naman panoorin tong journey mo na to mie. kasi sobrang informative hindi katulad nung iba na basta pinapakita lang nila rhinoplasty journey nila, ying sayo may kasamang kumbaga lesson. get well soonest mie! ANG GANDA MO!! GRABE KAHIT TALAGA WALANG MAKE UP! LALO AKONG NA INLOVE SAYO.”
Watch the full vlog below:
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.