Team Payaman’s Beigh and Mae Finally Ties the Knot

Matagal ng tapos ang “Love Month” pero love is still  in the air para sa Team Payaman. Ito ay matapos maging opisyal na Mr. annd Mrs. Sunga ang TP couple na sina Clifford “Beigh” Sunga at Mae Andres na ngayon ay ganap ng Mrs. Sunga. 

Noong nakaraang July 22, 2022, nasaksihan ng buong Team Payaman ang pag-iisang dibdib nina Mae at Beigh. Halina’t balikan natin ang mga kaganapan sa likod ng intimate wedding nina Mr. and Mrs. Sunga kasama ang VIYLine Media Group (VMG). 

Beigh and Mae of Team Payaman

Isa sina Mae at Beigh sa mga longtime couples ng Team Payaman. Nakilala ng publiko ang dalawa dahil sa madalas nilang paglabas sa mga vlog ni Cong TV, Viy Cortez, at maging ng ibang Wild Dogs at Wild Cats members. 

Si Beigh ay pinsan ng magkakatapid na Velasquez na unang nakilala sa vlog ni Cong sa kaniyang famous line na, “Sisikat ako!”

Samantala, si Mae naman ay isa sa mga naggagandahang residente sa Payamansion at isa rin sa mga VIYLine girls ni Viy Cortez sa kaniyang negosyo.

Source: Clifford Beigh Mariano Sunga Facebook post
Source: Clifford Beigh Mariano Sunga Facebook post

Bago tuluyang mag “I do” ang dalawa ay naghanda ng TP girls ng surpresang bridal shower para kay Mae. Pinangunahan ito nina Kevin Hufana, Clouie Dims, Steph Anlacan, Venice Velasquez, at Pat Velasquez-Gaspar, 

“Thank you Wildcats! Love you all!” ani Mae sa isang Instagram post.

Andres-Sunga Nuptials

Inanunsyo sa publiko ng mag-asawang Beigh at Mae na opisyal na silang mag-asawa noong July 22, 2022. 

Sa isang  Facebook post, ibinahagi ng bride ang kanilang wedding photo na at proud na proud ding  ipinapakita ang kanilang wedding rings.

“Just got married!” ani Mrs. Sunga. 

Source: Clifford Beigh Mariano Sunga Facebook post
Source: Clifford Beigh Mariano Sunga Facebook post
Source: Clifford Beigh Mariano Sunga Facebook post
Source: Clifford Beigh Mariano Sunga Facebook post
Source: Clifford Beigh Mariano Sunga Facebook post

Overflowing Support

Bagamat hindi man nakarating sa wedding ceremonies dahil recovering pa mula sa kanyang panganganak ay ipinahatid naman ng  kanilang Ninang Viy Cortez ang kanyang pagbati sa newlyweds.

“Congrats Mae and Bei!” ani Viviys sa kaniyang Facebook comment.

Bukod sa kanilang Ninang Viy, nagpahatid rin ng kanilang congratulatory messages ang ilang fellow Team Payaman members nina Mae at Beigh.

Tin Piamonte: “Congrats! Love you both!”

Patricia Ann Pabingwit: “Congrats!”

Steph Anlacan: “Congrats, Mae Tacang Andres and Clifford Beigh Mariano Sunga nodsu kami ni Kha!”

Clouie Dims: “Yay! Congrats!! Love you both!”

Vienna Ilagan: “Congrats kuya beigh at ate mae!!”

Michael Carl Sabino: “Congrats! Welcome to the club”

Ivy Cortez-Ragos: “Congratulations!”

Congratulations to our newlyweds, Mae and Beigh! From your VMG family!

Likes:
0 0
Views:
1090
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *