Isang mabigat na kwentuhan ang hatid ng ilan sa Team Payaman Wild Dogs sa pinakabagong episode ng Payaman Insider podcast sa Spotify.
Ano naman kaya ang bagonglove advice ang hatid nina Junnie Boy, Boss Keng, Burong at Tryke Gutierrez ng Tier One Entertainment?
Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang kaganapan sa latest Payaman Insider podcast episode.
For the broken hearted ang mga fersons sa recent episode ng Payaman Insider na siyang pinangunahan nina Junnie Sad, Broken Burs, at Boss Pain.
Sa kabila ng mayabong at #RelationshipGoals Team Payaman couples, buong tapang na ibinahagi ng Wild Dogs ang kanilang broken hearted memories sa kanilang past at present partners.
“Ako, nung nag-break kami ni Pat-Pat noong second year namin [as couple], actually nag-break kami November 25. Ngayon ko lang napagtanto, kinasal kami November 25. Tapos nag-break din kami noon, November 25” panimula ni Boss Keng.
Naibahagi rin ng YouTube content creator na ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon ni Pat Velasquez-Gaspar ay ang pagiging possessive sa isa’t-isa.
“Ang nangyari sa amin ay talagang sakalan. Kasi dati talagang madalas akong mag-inom [ng alak] tapos ngayon, pinagbabawalan niya ako. Talagang pinag-daanan namin yan ni Pat. Pero ako yung pinakanahirapan kasi dumating ako sa point na hindi na ako maka-kain at makatulog,” dagdag ni Boss Keng.
Sa kabilang banda, “Ito yung isa sa pinaka-una kong heartbreak eh. Nangyari sa akin yung hindi ako pinili kasi hindi ako enough” kwento naman ni Burong.
Dagdag pa ni Burong, ang kanyang nililigawan noon ay graduate na ng college.
“Akala ko yung mga date namin, okay na. Parang anytime, sasagutin na ako nito. Noong dinala ako sa bahay nila, medyo na-overheard ko yung nanay niya ‘Sino yan?’ sabi niya, ‘Manliligaw ko po,’ Syempre, tamang kilig na ako eh,” dagdag pa nito.
Pero ang not-so-exciting part: “Eventually, tumigil na siyang mag-message sa akin. Pag pumupunta ako sa bahay nila, hind na niya ako pinapa-pasok. Hanggang sa sinabe niya sa akin, ‘bata ka pa kasi.’”
Para naman kay Junnie Boy, itinuturing niyang biggest heartbreak ang pag-akalang mahal rin siya ng kanyang first girlfriend.
“Akala ko, mahal namin ang isa’t-isa kasi syempre nagkakilala kayo, akala ko, pang-habang buhay na,” malungkot na kwento ng mister ni Vien Iligan-Velasquez.
Dagdag pa nito: “Kasi sa utak ko date to marry. Akala ko yun na ‘yon. Tumagal kami ng isa’t kalahating taon. Yung mga time na akala ko mahal namin ang isa’t-isa, yun yung pinaka naging broken hearted ako.”
Samantala, hindi naman pinalampas ng TP Wild Dogs ang pagkakataon na magbigay ng mga advice sa mga nakakaranas ng heartbreak.
“Oras talaga yun [kailangan] ‘eh, na parang marerealize mo nalang na wala na talaga. ‘Di na masakit, wala na talaga,” payo ni Junnie Boy.
Para naman kay Burong: “Friends. Kasi after ‘non [break up], ‘dun ako mas nakapag-spend ng oras kasama sila Keng, Junnie. Somehow, nawawala sa isip ko yung experience ng pagka-broken kasi mas naoover-shadow sya nung saya kasama yung friends.”
Listen to this latest relatable Payaman Insider episode:
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…
Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…
Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…
Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…
Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…
This website uses cookies.