Viy Cortez Treats VIYLine Employees After the Successful  VIY Day Sale!

Isang pang malakasang food trip ang sagot ni Viy Cortez para sa masisipag na empleyado ng VIYLine Group of Companies kamakailan lang. 

Ito ay bilang selebrasyon sa katatapos lang na 26th birthday ng VIYLine CEO na nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong July 23. 

Pero bukod sa kaniyang birthday treat, ang nasabing food trip ay simpleng reward na rin sa sipag at tiyaga ng VIYLine boys and girls. 

Tara, samahan niyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at silipin natin ang naganap na selebrasyon ng VIYLine employees. 

Record breaking orders

Matatandaang noong nagdaang VIY Day birthday sale ng VIYLine ay pumalo ng higit 35,000 orders ang natanggap mula sa iba’t-ibang shopping platforms gaya ng Shopee, Lazada, at TikTok

Dahil sa pagbaha ng orders, walang tigil din ang pagbabalot ng VIYLine girls and boys ng mga parcels. Katunayan, tumulong na ang lahat ng departamento sa VIYLine office para masigurong maipadala agad ang orders ng mga Viviys. 

Maging ang mga kapatid ni Viy Cortez na sina Ivy Cortez-Ragos at Yiv Cortez ay tumulong din sa pagbabalot ng orders

Samgyup treat

Mula VIYLine Main Office sa Biñan, Laguna ay bumiyahe ang buong tropa sa Parañaque City para kumain sa Wagyuniku BF Aguirre na pag mamayari nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ng Team Payaman. 

Ayon sa VIYLine CEO, simpleng reward niya ito sa mga empleyadong walang sawang nagbalot ng orders noong nakaraang VIY Day Sale.

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ng VIYLine employees sa birthday treat at reward na hatid ni Viviys. 

“Thank you so much po, Miss Viy, dahil nagpakain siya dito samin sa Wagyuniku. Sobrang grateful po kami kasi binigyan niya kami ng opportunity na makapag relax after ng 35K na pagbabalot (ng parcels),” ani VIYLine Cosmetics Sales Associate Kaye Tesorero.

Para naman kay Tin Piamone na OIC ng VIYLine Media Group, sobrang na-appreciate ng lahat ang reward ni Viviys. 

“Viviys, I love you so much, alam mo yan! Andito lang ako palagi as your ate and kung may kailangan ka, hindi naman ako nawawala sa paningin mo, andyan lang ako sa kabilang bahay!” dagdag pa nito. 

Samantala, on behalf of Viy Cortez, pinasalamatan naman ng kaniyang Ate Ivy ang lahat ng sumuporta sa VIY Day Sale. 

“Maraming maraming salamat sa lahat ng suporta niyo kay Viviys at sa pagmamahal niyo!” ani Ivy Cortez-Ragos na tumatayong manager ng VIYLine Food and Beverage department. 

“Gusto ko rin mag thank you sa mga staff ng VIYLine kasi lahat talaga nagtulungan para matapos ang 35,000 parcels na yon!” dagdag pa nito.

Abangan VIYHind the Scene vlog sa Wagyuniku food trip special na ito sa official YouTube channel ng VIYLine Media Group mamayang 7 P.M!

Ano pang hinihintay niyo, mga kapitbahay? Subscribe na para lagi kayong updated sa latest chika sa VIYLine at Team Payaman!

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.