Kahit masama ang panahon, game na game pa ring sumabak sa mga buwis-buhay na activities ang Team Payaman Wildcats.
Kamakailan lang ay bumyahe pa-norte ang ilan sa Team Payaman members headed by Chino Liu, a.k.a Tita Krissy, Kevin Hufana at Clouie Dims.
Kumusta naman kaya ang rainy day adventure ng Wildcats sa Zambales? Hatid na ng VIYLine Media Group (VMG) ang virtual chikahan ng Team WildcatVenture.
Hindi nagpahuli ang ilan sa Team Payaman Wild Cats na bisitahin ang Wreck Diving Capital of the Philippines, ang Zambales.
Bagamat maulan, hindi pinalampas ng Wild Cats na makagawa ng iba’t-ibang aktibidad bukod sa paglangoy sa kilalang karagatan sa paligid ng nasabing probinsya.
Sinimulan nina Tita Krissy ang kanilang memorable stay sa Agos ng Liwa, isang kilalang resort sa San Felipe, Zambales.
Billiards ang naging “starters” ng TP Wildcats bago sumabak sa matitinding land and water activities.
Matapos ito, sinubukan nina Tita Krissy, Kevin, at Clouie ang pagsakay sa ATV na syang nahati sa tatlong uri ng trail; Lahar Trail, Sand Trail, at Forest Trail.
Upang mapanatili ang kanilang seguridad, sinamahan sila ni Kuya Joel sa kanilang ATV adventure.
Matapos mapunta sa kanilang huling trail, sama-samang nag-liwaliw ang TP Wildcats sa tabing dagat at nag-posing para sa kani-kanilang Instagram feed.
Hindi pa man natatapos ang araw ay sinulit nila ang kanilang mabilisang bakasyon sa pagsilip sa kilalang talon o falls na matatagpuan sa Zambales.
Kinabukasan, sinubukan naman ng TP Wildcats Trio ang kilalang toruist spot na Dapia River na kung saan napakalinaw ng tubig.
Sinulit nina Tita Krissy, Kevin, at Clouie ang kanilang last day sa pagligo sa ilog na sinamahan ng kwentuhan at tawanan.
Bago pa man umuwi pabalik ng Maynila, nakita ng TP Wild Cats ang kilalang Eat Bulaga host na si Julia Clarete. Nakipagkulitan ang tatlo sa dating Dabarkads at pinasayaw pa ng 2012 childhood hit na Cha Cha Dabarkads.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.