Baby Kidlat Bravely Faces Tongue-Tie Laser Surgery

Matapang na hinarap nina YouTube power couple Cong TV at Viy Cortez ang laser surgery para sa mild tongue-tie condition ng kanilang panganay na si Baby Kidlat. 

Sa kaniyang latest vlog, binahagi ng 26-anyos first-time mom ang kanilang pinagdaanan sa kauna-unahang operasyon ni Zeus Emmanuel Cortez Velasquez. 

Pero ano ba ang tongue-tie? Paano malalaman kung mayroon nito ang sanggol at paano malulunasan? Para sa mga first-time parents gaya nina Cong at Viy, samahan ang VIYLine Media Group (VMG) dahil hatid na namin ang ilang impromasyon kaugnay sa tongue tying at kung paano ito malalampasan.

Tongue-tie

Ang tongue-tie o kilala sa scientific name na ankyloglossia ay isang kondisyon, karaniwan sa mga bata, kung saan ang isang manipis o makapal na body tissue ay nakakabit sa isang parte ng bibig ng mga bata. 

Ayon sa Mayo Clinic, mapapansin na ang sanggol ay may tongue-tie condition kung sila ay nakararanas ng mga sumusunod:

  • Hirap iangat o igalaw ang dila pataas o sa kahit anong direksyon;
  • Hirap ilabas ang dila palabas ng pang-ibabang ngipin;
  • Naghuhugis puso ang dila kapag ito ay inilalabas; at
  • Sa kaso ni Kidlat, hirap itong mag-breastfeed sa kanyang Mommy Viy.

Pero ayon sa mga eksperto, walang dapat ikabahala ang mga magulang sapagkat ang tongue-tie ay hindi nagiging sanhi ng kahit anong implikasyon at nangangailangan lamang ng laser surgery, na siya namang matapang na hinarap ng YouTube baby ng taon. 

Baby Kidlat’s First Battle

Bago pa man maganap ang top-trending newborn photoshoot ni Baby Kidlat, sumailalim muna ang unico hijo nina Cong at Viy sa isang safe at  bloodless surgery. 

Brave baby boy ang peg ni Baby Kidlat sa kanyang kauna-unahang laser surgery kamakailan lang. 

“So sana po, ang Kidlat namin parang wala lang [maramdaman] kasi ang nipple ni mommy, may sugat-sugat na,” paliwanag ni Viviys. 

Napagdesisyunan ng longtime Team Payaman couple na pa-operahan na agad si Baby Zeus upang maiwasan ang anumang epekto nito sa kanyang pananalita habang siya ay lumalaki.

Full-force ang Team Kidlat kasama sina Ate Acar and Nurse Kads para suportahan si Kidlat. Katuwang naman nina Cong at Viy ang Gerochi Dental & Implant Center sa ginawang proseso para tuluyang tapusin ang tongue-tie condition ni Kidlat.

Pag-uwi ay nagsagawa lamang ng ilang tongue exercises sina Mommy Viy upang maiwasan na ang muling pagdikit ng dila ni Baby Zeus sa iba’t-ibang parte ng kanyang bibig.

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

2 hours ago

Tita Krissy Achino Spills Tea in Michelle Dy’s Latest Makeup Vlog

Isang masayang chikahan at masinsinang makeup session ang hatid ni Michelle Dy kasama ang isa…

7 hours ago

The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Summer Essentials: Stay Cool with SNAKE Brand by Viyline

Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…

11 hours ago

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

This website uses cookies.