Team Cortez and Team Velasquez Visit Kidlat for the First Time

Sa kauna-unahang pagkakataon, binisita ng Team Cortez at Team Velasquez ang next-gen superstar ng Team Payaman na si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Ano kaya ang naging reaksyon nina Lolo Val, LolaJo, at Tita Ivy sa kanilang first meet and greet  with Baby Zeus?

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) dahil hatid na namin ang virtual chikahan with Team Cortez at Team Velasquez!

Team Velasquez

Sa kanyang latest vlog, excited na ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang mga eksena at reaksyon nang unang makita nina Lolo Val at Lola Jo ang kanilang ikalawang apo. 

Bago pa man ang lahat, sinimulan ni Papa Shoutout ang kanilang pagbisita sa isang biro, na sya namang sinakyan ng bunso ng Velasquez family. 

“Sasamahan ko ‘yan [si Kidlat] sa lahat ng galawan nila. Maglalaro sila ni Mavi, si Viela, tsaka si Pateng. Darating na ba si Pateng?” tanong ni Papa Val patungkol sa future baby nina Boss Keng at Pat. 

“Wala pa, nireregla pa ‘eh!” pabirong sagot naman ni Pat.

Agad din namang na-imagine ni Lola Jo ang magiging future ni Kidlat kasama ang kanyang mga pinsan. 

“Ang mangyayari, parang kuya niya talaga si Mavi tapos ang ka-edad nito, si Viela.” 

Bilang paniniwala ng mga matatanda, dapat gawin ang “Pekpekkel” na kung saan hihilutin ang binti ng sanggol upang tumibay ang mga buto nito, ayon kay Papa Shoutout.

Samantala, habang inaalagaan si Kidlat ay hindi naman naiwasan ni Lola Jo na magbaliktanaw sa mga paghihirap ng isang ina, lalo na sa pagbubuntis at panganganak.

“Akala nila ‘dun na matatapos [sa panganganak], hindi nila alam, ‘dun pa lang simula ang pagiging nanay mo. Kasi ito na yung buwan na mahirap eh. Yung wala kang idea kung paano mo aalagaan yung anak mo.” emosyonal na kwento ni Mama Revlon.

Dagdag pa nito: “Ang swerte niyo nga may tiga-alaga [kayo], ako noon, ako lang mag-isa talaga. Sarili ko lang. Nanganak ako, wala rin siya [Papa Shoutout]” na siyang nagpaluha sa mother of four ng Velasquez family. 

Team Cortez

Sa kabilang banda, bumisita rin ang Team Cortez-Ragos kay Baby Zeus kasabay ng pag-surpresa nito sa 26th birthday celebration ni Viy Cortez.

Sa latest vlog ng Raco Squad, hatid na ng Pamilya ni Ivy Cortez-Ragos ang behind the scene kaganapan sa kanilang ihinandang surpresa para kay Viviys.

Bago ang lahat, inihanda muna ng hands-on entrepreneur at sister ni Viviys ang kanyang checklist para sa kanyang surprise birthday visit sa kanyang younger sister.

“Kailangan kong bilhin ang kanyang paboritong tinapay, bibili [rin] tayo ng bouquet ng bulaklak syempre, balloons syempre, at ang paborito nyang cake!” ani Ate Ivy. 

Being the superwoman that she is, hindi naging excuse ang pagiging busy dahil gustong mapasaya ni Ivy ang kanyang kapatid.

“Syempre naman, ang iniisip ko talaga, special day to ni Viy. So kahit marami akong gagawin, kailangan maisiksik ko ito [surprise] sa aking schedule,” dagdag pa nito. 

Finally, oras na para sa surpresa kaya naman all-out ang effort ng Team Cortez-Ragos sa kanilang plano upang mapasaya ang first-time mom sa kanyang 26th birthday.

Matapos sumailalim sa COVID antigen test, agad na umakyat ang Raco Squad sa kwarto nina Cong at Viy at as expected, gulat na gulat si Viviys sa kanyang nakita.

Aside from the birthday surprise, pakay rin ng Raco Squad na bisitahin for the first time si Baby Kidlat.

Watch the full vlogs below:

Likes:
0 0
Views:
1599
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *