Cong TV Willingly Trades Baby Stuff to Get Breast Milk for Baby Kidlat

Ang mga magulang ay gagawin ang lahat para sa kapakanan ng kanilang anak. 

Ito ang pinakita ni Cong TV sa kaniyang latest vlog matapos iisang tabi ang kaniyang hiya para mabigyan ng breast milk si Baby Kidlat. 

Sa vlog na pinamagatang “Barter,” pinakita ng 30-anyos YouTube star kung papaano siya gumawa ng paraan upang makapang hingi ng kinakailangang gatas ng ina ni Kidlat. 

Low milk supply

Pinaliwanag ni Cong TV na sinusubukan ng kanyang longtime girlfriend at ina ni Kidlat na si Viy Cortez na palakasin ang kanyang milk supply. Pero dahil kinakapos ay naisipan nitong humingi ng gatas sa kanilang kaibigan na dati ng nagbibigay para kay Kidlat. 

“Pwede ka kasing magpa-pasteurized ng milk. Basta procedure yon na parang cleansing ng breast milk ng nanay, mga dino-donate para malinis. Kaso ang minimum, 2 liters daw,” paliwanag ni Cong TV.

Agad tinawagan ni Cong TV ang kanyang kaibigan at sinubukang humingi ng breast milk. Bagamat willing ang kaibigan na mag-donate, naging katatawanan ang kanilang usapan ng pabirong sabihin ni Cong na mahigit dalawang litrong gatas ang kanyang kailangan. 

“Maraming extra na gamit si Kidlat dito, basta two liters yung kapalit,” biro pa nito.

Operation barter

Agad sumabak sa isang misyon si Cong TV para makakuha ng donasyong breast milk para kay Kidlat. 

“So pag tatay na guys, bawal nang mahiya sa mga bagay na gagawin mo. Lalong lalo na kung para sa anak mo,” ani Cong. 

Pagdating sa kaniyang destinasyon, nag-ala “Sugod Bahay Gang” ng Eat Bulaga si Cong TV at ibang Team Payaman Wild Dogs sa paghatid ng mga gamit kapalit ng breast milk para kay Kidlat. 

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Cong TV sa kanyang mga kaibigan sa pagbibigay ng extra’ng gatas para kay Kidlat. 

“Uy ang dami nito! Ang dami ng gatas mo!” ani Cong TV matapos makuha ang binigay na gatas.

“Pau, thank you Pau ha? Makakatulong ‘to kay Kidlat. Nard, salamat sa gatas!” dagdag pa nito. 

Mission accomplished ang Daddy Cong! Watch the full vlog below:

Kath Regio

View Comments

  • Ako po madami po ako breastmilk kht diapers lang po barter 9months old po baby ko

Recent Posts

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

31 minutes ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

38 minutes ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

3 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

3 days ago

Netizens Applaud Isla Patriel Gaspar’s Early Household Skills

Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…

3 days ago

Team Iligan-Velasquez Shares Joyful Christmas Tradition in Latest Vlog

Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…

4 days ago

This website uses cookies.