Cong TV Salute Mothers After Witnessing Viy Cortez’s Sacrifices as First-Time Mom

Ilang linggo matapos maging ganap na ama si YouTube legend Cong TV, tila parami ng parami ang mga napagtatanto nito sa sakrisipisyo ng mga magulang, lalo na ng mga ina. 


Sa kanyang latest vlog, binahagi  ng 30-anyos first-time dad ang kanyang mga realization at pagsaludo sa mga ulirang ina ng tahanan. 

Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat ni Cong TV sa kanyang ina, pati narin sa mga sakripisyo ni Viy Cortez para lang maalagaan ang kanilang panganay na si Zeus Emmanuel Cortez Velaquez, a.k.a Kidlat. 

Mini changes

Habang kumakain ay nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahang Cong TV at Viy Cortez na mag heart-to-heart talk kaugnay sa mga pagbabago sa kanilang buhay simula ng dumating si Baby Kidlat. 

Ayon kay Cong, matapos ang isang linggong puyatan ay tila “back-to-normal” na ang kaniyang buhay, habang ang 26-anyos na longtime girlfriend ay patuloy pa ring nag-aadjust bilang bagong ina. 

“Si Viy ho, konti nalang pa-zombie na ho!” biro ni Cong. 

Hirit naman ni Viviys: “Ako pa-zombie na, si Cong fresh na fresh!”

Binahagi rin ni Cong na dahil sa puyat at kagustuhang mapa-breastfeed si Kidlat ay halos limang kilo na ang nabawas sa timbang ni Viy. 

Super Moms

Napaisip din ang magkasintahan kung kakayanin kaya nila ang mga unang linggo bilang magulang kung wala ang kanilang mga katuwang gaya ni Ate Acar na syang nag-aalaga at nag-aasikaso ng mga gamit ni Baby Kidlat. 

“Hindi ko ma-imagine yung hirap ng mga single mom… Sa kaso ni Viy, walwal na si Viy, ano pa kung halimbawa wala sila Ate Acar,” ani Cong.

Bilib naman si Viy Cortez sa mga hands-on mom na gumagawa ng lahat ng gawaing bahay kasabay ng pag-aalaga sa anak. 

“Kaya pala super mom ang tawag nila kasi kung lahat yun ay gagawin, grabe yun! Ang galing ng mga nanay na talagang hands on at sila lang mag-isa,” dagdag pa ni Viy. 

Hindi rin naiwasan ng dalawa na ibigay lahat ng papuri sa kani-kanilang ina na nag taguyod sakanila. 

At nang dumalaw sa Payamansion ang kanyang mga magulang, harap-harapang nagpasalamat si Cong TV sa ilaw ng tahanan ng Velaquez family.

“Kung nakikita niyo lang yung hirap ni Viy, yung nanay ko, ginawa nya yun ng mag-isa dahil nasa Japan si Papa. Ngayon ko na-appreciate, ma!” sambit ni Cong kay Mama Jo Velasquez, a.k.a Mama Revlon

“Yung akala mo dati na nasa bahay lang? Hindi siya ‘house wife lang,’ isa siyang alamat!” dagdag pa nito.

Paliwanag naman ni Mommy Jo, isang sakripisyo at nag-uumapaw na pagmamahal talaga ng role ng isang ina. 

“Talagang kakalimutan mo yung sarili mo. HIndi ka makakakain ng tama, hindi ka makakaligo ng tama kasi priority mo yung anak mo. Hindi ka rin makatulog talaga.” dagdag pa ni Mama Jo.  

Watch the full vlog below:

Kath Regio

View Comments

  • SOOOOOLIIID!!! SUPER FAN TALAGA AKO NG MAGPARTNER NA ITO!!!! TAPOS NGAYON MAY PLUS ONE WHOAAAAAAA KIDLAT ON THE HOUSE!!!! SARAP NIYONG PANUOORIN LAGI!!!! SANA PO MAY DAILY VLOGS NA HEHEHEHEHEHEHEHE

Recent Posts

Elevate your Home with Luxurious Fragrances from Perfect Scent by Viyline’s Room and Linen Spray

Perfect Scent by Viyline aimed to redefine the industry of home essentials when it introduced…

14 hours ago

Cong’s Anbilibabol Team Exchange Nonstop Hilarious Banter in Pre-Game Moments

Ilang araw bago ganapin ang Star Magic All Star Games, tampok sa vlog ni Cong…

16 hours ago

Yow Looks Back at Team Payaman’s Star Magic All Star Games Experience

Hindi lang basketball skills ang hatid nina Yow at Cong TV, kung hindi pati good…

20 hours ago

Team Cortez, The Aguinaldos, and D’ Anicetos Go On a Fun Amusement Park Experience

Isang masaya at kwelang vlog collaboration ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong YouTube…

2 days ago

Team Payaman Girls Channel ‘Girlhood’ Vibes in Their Vietnam TikTok Entries

Naghatid ng girlhood energy ang Team Payaman Girls sa kanilang TikTok entry serye mula sa…

5 days ago

CHINstituents Unite: Chino Liu Introduces ‘Kags, Help!’ Podcast

Reklamo? Suhestiyon? Problema? Sagot na ‘yan ni Chino Liu sa kanyang bagong ‘Kags, Help!’ podcast…

5 days ago

This website uses cookies.