Daddy Talks: Cong TV Opens Up About First Few Days of Fatherhood

“Purong kaligayahang kung saan humihinto ang oras ng kanyang buhay.”

Ganito inilawaran ng sikat na YouTube content creator na si Cong TV ang kanyang mga unang araw bilang isang ganap na ama kay Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Sa isang vlog ng kapwa Team Payaman vlogger na si Roger Raker, binahagi ni Cong ang mga  karanasan niya bilang first-time-dad. 

Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at alamin ang kwento sa likod ng bagong yugto sa buhay ni Lincoln Velasquez. 

Love at first sight

Tila na love at first time nga si Cong TV ng unang masilayan ang panganay nila ng longtime girlfriend at kapwa vlogger n itong si Viy Cortez

Ayon kay Cong, pakiramdam nya ay bumata siya ng unang masilayan si Kidlat ng ipanganak ito noong July 5, 2022. 

Paliwanag na ng 30-anyos na vlogger, ang oras na nakita nya ang unico hijo ay itinuturing niyang isa sa mga pinaka kakaiba at masayang naramdaman nya sa kanyang buhay. 

Kakaibang galak din aniya ang naramdaman nya ng makita na hawig din pala nya ang panganay na anak. 

“Buong ultrasound akala ko kamukhang kamukha ni Viy, kamukha ko pala!”

Life changing moment

Bagamat wala pang isang buwan na naging ganap na ama ay ramdam na ni Cong TV ang mga pagbabago sa kanyang buhay dahil kay Baby Zeus. 

Ayon sa leader ng Team Payaman, ayos lang kahit hindi na niya magawa ang mga hobby gaya ng paglalaro ng online games dahil masaya naman siya sa pagiging tatay.

Sa loob aniya ng limang araw na pagiging ama ay naranasan nyang ngumiti ng walang dahilan. 

“Totoo yun eh, pag may anak ka na hindi na nawawala yung ngiti sa mukha mo everytime nakatingin ka sakanya.”

Bagamat excited na si Daddy Cong lumaki at makausap na si Kidlat at sinusulit aniya nito ang mga panahong sanggol pa lang ang panganay. 

“Ineenjoy ko lang kung ano yung nararamdaman ko ngayon, ano yung na-eexperience ko kasi sobrang magical.”

Mas naging conscious din aniya siya sa mga bagay sa paligid at nagiging doble ingat sa mga nahahawakan upang mapanatili ang kaligtasan ng anak dahil sa kinakaharap nating pandemya.

Willing to adjust

Samantala, nang balaan naman ni Roger Raker si Cong kaugnay sa mga maaring pagdaanan ng kanilang relasyon ni Viy ngayong bagong panganak ito, inamin ni Cong na inihanda na nya ang sarili nya para dito. 

“Matindi ang patience ko, ang pang unawa, pang intindi!”

Handa rin aniya ang first-time-dad harapin sakaling magkaron ng pagbabago sa ugali ni Viviys bilang first-time-mom. Naiintindihan daw ni Cong na parte lang ito ng hormonal changes ng isang babae dahil sa panganganak. 

Panoorin ang buong vlog:

Kath Regio

Recent Posts

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

3 days ago

Top 5 VIYLine Cosmetics Lip Slay Summer-Ready Shades That You Should Try

The summer season is approaching, so your bikinis and summer outfits are probably ready. But…

3 days ago

Team Payaman’s Alona Viela Takes Over TikTok With Her Iconic Dance Moves

Sa mundo ng Team Payaman, kabilang ang Team Payaman chikitings sa nagsisilbing “happy pil”’ o…

3 days ago

8 Years in The Making: Rana Harake Now Engaged to Antonio Enriquez

Matapos ang walong taon ng pagiging mag-nobyo, pormal nang hiningi ni Tonyo Enriquez ang mga…

3 days ago

This is How Viy Cortez-Velasquez Maintains a Fresh Look During 2nd Pregnancy

Kapansin-pansin na talaga namang blooming ang soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez. Alamin…

4 days ago

Dangwa Flowers by Samantha’s Flower Shop: Quality Blooms, Exceptional Service

Flowers undoubtedly enhance our world with their captivating charm and fragrance. The Philippines, blessed with…

4 days ago

This website uses cookies.