Team Payaman’s Steve Wijayawickrama Surprises Sister with Generous Birthday Gifts

Share you blessings! Yan ang tema ng latest vlog ni Team Payaman content creator Steve Wijayawickrama, kung saan sinurpresa nito ang kanyang nakababatang kapatid. 

Bukod sa pagiging “My Friend” ng lahat sa Payamansion, si Steve pala ay isa ring mabait mapagbigay na kuya sa kanyang bunsong kapatid na si Kristine. Pinatunayan ito ng editor-turned-vlogger kamakailan lang ng surpresahin si Kristine para sa kanyang 20th birthday. 

Tara, samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin ang kaganapan nakakaantig na surpresa ni Steve!

The birthday adventure

Inilarawan ni Steve ang kanyang bunsong kapatid bilang “only princess” ng kanilang pamilya. Sinimulan ng thoughtful kuya ang kanyang back-to-back birthday surprise para kay Kristine sa pamamagitan ng isang fake delivery prank. 

Simula pa lang ito ng mga naghihintay na surpresa para kay Kristine. Unang dinala ni Steve ang kanyang baby sister sa Sandbox, Pampanga para sa isang birthday adventure. 

Kilala ang Sandbox sa Porac, Pampanga sa outdoor activity center nito na siyang kagigiliwan ng mga kids at kids-at-heart.

“You know why there’s no people here? I booked this! I paid P100” biro ni Steve.

Bukod sa kanyang kapatid, hindi rin pinalampas ni Steve ang pagsubok sa mga buwis-buhay na adventure rides sa  Sandbox.

Nagsilbing bonding ng dalawa ang nasabing adventure na talaga namang kinatuwa ng birthday celebrant.

But wait, there’s more!

Matapos ang buwis-buhay birthday adventure ng Wijayawickrama siblings, dumeretso na ito sa kanilang bahay para magpahinga.

Pero bago pa man matapos ang araw ay muling tinanong ni Steve kung ano ba ang birthday wish ng kanyang kapatid.

“She wants to watch the concert of Seventeen [Korean Boy Group]” sagot ng kanilang mommy.

Biro naman ni Kuya Steve: “You sell your kidney and buy the ticket!”

Lingid sa kaalaman ni Kristine ay pinaghandaan na ng kanyang Kuya Steve ang nasabing birthday wish. Walang pag-aatubling inabutan ni Steve si Kristine ng pambili ng ticker para sa kanyang dream concert. 

Ayon sa kanyang kuya, mabait at masipag kasing mag-aral si Kristine kaya deserve nya ang nasabing regalo. Hindi naman napigilan ni Kristine ang maluha dahil sa hindi inaasahang regalo ng kanyang kuya.

Pero hindi pa dito natatapos ang surpresa ni Kuya Steve! Bukod sa cash gift, sinurpresa rin ni Team Payaman content creator ang kanyang baby sister ng brand new phone na lalong nagpaiyak kay Kristine.

“Feeling ko hindi ko deserve!” bwelta ni Kristine dahil sa tuwang dala ng surpresa ng kanyang Kuya Steve.

“I really believe na kahit sa vlogging or sa engineering,  I really know na you will reach greater heights, even greater than me” dagdag pa nito.

Isa lang ang naging sagot ng kanyang big brother, “Kuya Steve always loves you.”


Watch the tear-jerking vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

9 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

13 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.