Team Payaman Goes on Separate Ways… Over the Weekend!

Nitong nagdaang weekend ay may kanya-kanyang gala ang ilang miyembro ng Team Payaman kaya tiyak na marami-raming vlog na naman ang aabangan natin sa mga susunod na araw!

Bagamat may magkakahiwalay gala ay hindi pa rin nakalimutan ng sikat na grupo ang bigyan tayo ng updates sa pamamagitan ng kanilang social media posts. 

Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group at silipin natin ang iba’t-ibang travel adventures ng Team Payaman!

Team Claveria

Biyaheng Claveria, Cagayan ang Velasquez family kasama sina Junnie Boy, Vien Iligan-Velasquez, Boss Keng, Pat Velasquez-Gaspar, Venice Velasquez, Beigh Sunga, Mae Andres, Mavi, at Madam Eve Marie Castro. Syempre kasama rin nila sina Papa Shoutout at Mama Revlon, ang mga kwelang magulang nina Cong TV. 

Long drive ang peg ng Team Claveria para dumalo sa family reunion ng pamilya Velasquez. 

Sa isang Facebook post, binahagi ni Wagyuniku BF Aguirre branch owner Pat na halos labing isang oras ang kanilang biyahe papuntang Cagayan. 

Tila enjoy na enjoy naman sa probinsya ang apat na buwang buntis na si Vien at ipinakita kung papaano sila namakyaw ng Buko! 

“Tanggal ang UTI,” ani Vien kalakip ang ilang litrato ng pagpaw ng kanilang uhaw sa  pag-inom ng fresh Buko Juice. 

Nakuha ring mag unwind sa beach ng grupo para masulit ang kanilang weekend geteaway. 

Team Iloilo

Lumipad naman patungong Iloilo City ang Team Payaman boys para sa isang malupit na adventure at food trip.

Base sa Facebook posts ni editor-turned-vlogger Steve Wijayawickrama, noong Huwebes July 14 ay lumipad siya kasama sina Yow, Carding Magsino, Kevin Hermosada, Mentos, at Bok patungo sa isang
“secret destination.”

Paglapag sa isang chibog agad ang inatupag ng grupo kasabay ng selebrasyon ng birthday ni Carding. 

Ayon sa nasagap naming chika, dumayo ang Team Payaman boys para sa isang pang malakasang food trip kasabay ng grand opening ng BigRoy’s Boodle Fight by Robejes Wonders sa Iloilo City. Abangan ang adventure na ito sa vlog nina Steve, Yow, Kevin, Carding, Mentos at Bok!

Source: BigRoy’s Boodle Fight by Robejes Wonders Facebook page

Team Rampa

Samantala, for the rampa naman ang peg ni Team Payaman Dancing Queen Mau Anlacan! Ito ay matapos gumanap na muse sa Dancer’s Basketball League ng Lazarus

Nirepresenta ni Mau ang kanyang dance group na “Stump” suot ang kanilang green at yellow jersey uniform. 

Hindi umuwing luhaan ang ating pambato dahil inuwi lang naman nito ang titulong “Best Muse” sa nasabing okasyon! 

“Oh pak! For the #BestMuse representing STUMP! Thank you so much, Lazarus and sa lahat ng nag vote. Love ya’ll!” 

For the nightlife naman sina Chino Liu a.k.a Tita Krissy Achino, Kevin Hufana, Clouie Dims, at Pat Pabingwit!

Dumalo ang kanilang grupo sa sa birthday celebration ng social media influencer na si Tricia Baylosis. Si Tricia ang kasintahan ng sikat na rapper/singer na si Matthaios at ang negosyante sa likod ng resto-bar sa Batangas na Tricia’s by F. Baylosis

Team Bahay

Syempre hindi papatalo ang Team Bahay kung saan on the road to recovery pa rin ang bagong panganak na si Viy Cortez.

Pero kahit busy sa pag-aalaga kay Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, sinalubong naman ng 25-anyos na first-time-mom ang weekend ng may 6 million YouTube subscribers!

Sa isang Facebook post, nagpasalamat ang VIYLine CEO sa walang sawang suporta ng mga Viviys. Inanunsyo din nito ang pasabog sa kanyang paparating na kaarawan sa July 23. 

“Salamat mga viviys, maagang pa birthday niyo na ito sakin. Wag kayo mag alala may regalo din ako sainyo sa birthday ko sa JULY 23!” ani Viy Cortez.

“May chance kayo manalo ng 1k, 5k at 10k pesos ilalagay ko yan sa random parcel na mag oorder sa July 23 sa VIYLine Cosmetics shopee and lazada store at sa tiktok shop (viy cortez) bukod dyan naka SALE din tayo sa birthday ko!” dagdag pa nito. 

Kaya tumutok lang sa VIYLine Media Group para hindi kayo mahuli sa lahat ng pasabog ng buong Team Payaman!

Kath Regio

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

2 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

23 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

23 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

23 hours ago

This website uses cookies.