Lumabas ang pagkamalikhain ng ilang Filipino artists matapos ang pagsilang ng panganay nina YouTube power couple Cong TV at Viy Cortez.
Noong July 5, 2022, opisyal na ipinanganak ni Viy ang kanikang unico hijo sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City.
Nang magsimulang mag-post ng litrato ang 25-anyos na vlogger kasama ang kanilang baby boy ay kaliwa’t-kanang fan arts naman ang ginawa ng fans para sa kanila.
Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at silipin ang ilang nakamamanghang obra inspired by Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat.
Isa si Gillan Emmanuel Lopez sa mga Filipino arists na gumuhit ng obra matapos makita ang litrato ni Cong TV kasama ang kanyang panganay.
Sa isang ekslusibong panayam, sinabi ni Gillan sa VMG na 2015 pa lang ay tagahanga na sya ni Cong TV at buong Team Payaman. Inidolo aniya nya ang sikat na YouTube vlogger dahil sa natural nitong sense of humor.
“Na-inspire ako gumawa ng artwork about father-and-son photo ni Cong dahil sobrang excited ako na lumabas si Kidlat,” ani Gillan.
“Natuwa rin ako na kapangalan ko rin (si Kidlat),” dagdag pa nito.
Ayon sa 19-anyos na freelance visual artist, sa loob lang ng sampung minuto ay natapos nya ang kanyang obra na ginamitan lang ng ballpapen at kapirasong papel.
Bukod sa father-and-son fast sketch ni Gillan kay Cong at Kidlat, binahagi rin nito sa VMG ang mga dati nyang obra kay Cong TV.
Isang vector art naman ang hatid ng Team Payaman fan na si Carylle Evasco Torreja.
“Congrats, Daddy Cong TV and Mommy Viy Cortez! Welcome Zeus Emmanuel “KIDLAT” Cortez Velasquez,” ani Carylle sa isang Facebook post kaakibat ang vector sketch ni Cong at Kidlat.
Samantala, quick charcoal sketch naman ang nilikha ni Nathan Alcaria para kay Daddy Cong at Baby Kidlat.
Sa isang Facebook post, pinasilip rin ni Nathan kung paano nya ginuhit ang nasabing Obra. Labis-labi naman ang tuwa nito ng mag-react sa nasabing post ang mismong bida sa kanyang obra.
“Cong TV, thank you po sa pag react. Grabe na-notice naman yung drawing ko!” dagdag pa nito.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang ganap sa trabaho at pagiging hands on mom, masayang ipinagdiwang…
Matapos mabiktima ng prank sa nakaraang vlog, seryoso na ngang sumailalim si Coach JM sa…
Nag-alab ang excitement noong Linggo, July 20, sa nagdaang Star Magic All-Star Games 2025 nang…
Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…
It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…
Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…
This website uses cookies.