Team Velasquez, Sinurpresa sina Junnie Boy at Papa Shoutout!

Punong-puno ng surpresa ang petsang July 5 sa Team Payaman dahil back-to-back-to-back ang nagananap na birthday celebrations ng Velasquez family. 

Bukod sa pagdating ng unico hijo nina YouTube power couple Cong TV at Viy Cortez, nagkaroon din ng double celeberation para kina Marlon Velasquez Sr. at Jr., a.k.a Papa Shoutout at Junnie Boy. 

Syempre pinangunahan ito ng Velasquez girls na sina Pat Velasquez-Gaspar, Vien Iligan-Velasquez, Venice Velasquez, at ang ilaw ng tahanan na si Mommy Jocelyn Velasquez, o mas kilala sa bansag na Mama Revlon.

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating silipin ang birthday bash ng mag-amang Val at Junnie Boy!

Surpresang muntik mabuking!

Sa kanyang latest vlog, binahagi ni vlogger-turned-business owner Pat Velasques-Gaspar ang naging preparasyon nila sa surprise birthday for Marlon Sr. and Jr. 

Pinakita ni Mrs. Gaspar ang behind-the-scene ng kanilang surpresa na ginanap sa The Garland sa Bacoor, Cavite.

Ibinahagi rin ng mag-asawang Boss Keng at Pat na muntik nang mabuking ang kanilang surpresa dahil sa kadaldalan mismo ni Boss Keng. 

“Pero ang dami talagang chance na pwede kami mahuli ni Junnie Boy. May times kasi na nag-aayos ako ng list of guest tapos andon siya sa likod ko” kabadong kwento ni Pat.

Dagdag pa ng Wagyuniku BF Aguirre owners, tila nagtampo rin ang kanilang Padre de Pamilya na nagdiwang ng kanyang 60th birthday. Noong July 5 kasi ay simpleng family dinner lang ang hatid ng Velasquez family dahil kasabay rin ito ng panganganak ni Viy kay Baby Kidlat. 

Surpresang malupit!

Lingid sa kaalaman nina Marlon Sr. at Jr. ay may niluluto palang surpresa ang Velasquez girls para sa kanila. Sinalubong sila ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak sa isang mission accomplished na surpresa.

All smiles ang mag-amang Val at Junnie Boy sa hindi inaasahang bonggang party na tumambad sa kanila. 

Game faces on naman ang Team Payaman boys and girls sa pagsali sa mga party games. Hindi rin pinalagpas ng mag-amang Junnie at Val ang pagkakataon para isayaw ang kanilang mga misis. 

At syempre hindi kumpleto ang party kung walang mga nakakaantig na birthday messages para sa ating celebrants.

Ipinabatid nina Venice, Pat, Vien at Mama Revlonl ang kanilang pasasalamat at birthday wishes para kina Junnie at Papa Shoutout. Maliban sa kanila, naghatid din ng mensahe si Junnie Boy sa kanyang tukayo. 

“Maraming salamat Pa, kasi tiniis mo lahat yung, napagod ka, napuyat ka. Lahat ng bagay na yun tiniis mo para sa aming magkakapatid kaya ang hiling ko sa’yo Pa, mabuhay ka ng matagal.” 

Hindi rin nagpahuli si Papa Shoutout sa kaniyang thanksgiving speech para sa kanyang 60th birthday celebration.

“Ito na yung pinakamasayang birthday ko. Dahil una, hindi pa ako nagsi-sixty [years old], binigyan na ako ng gift ni God na si Mavi. Tapos ngayong eksaktong araw ng birthday ko, binigyan ulit ako ng isang Kidlat.”

Natapos ang birthday celebration ng mag-ama sa tradisyonal na pag-awit ng Happy Birthday song at pag-blow ng cake na may pasabog palang cash gift para kay Papa Shoutout. 

Samantala, bagamat busy ang Daddy Cong sa pag-aalaga kina Mommy Viy at Baby Kidlat, hindi nito pinalagpas ang okasyon at binigyan naman ng pang malakasang  Php 100,000 cash gift ang kanyang ama.

“Happy birthday, Pa! Enjoy ka diyan!” pagbati ni Cong TV.

Sagot naman ni Papa Va:  “Ang dami mo ng binigay sa akin! Binigyan mo na ako ng Kidlat, binigyan mo pa ako ng P100,000. Grabe ka!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
659
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *